Bea at John reunion movie tuloy na, aktres may panlaban sa bacteria
Bea

Bea at John reunion movie tuloy na, aktres may panlaban sa bacteria

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bongga ang birthday ng Beautéderm Corporation President at CEO Rhea Anicoche-Tan. Kasabay kasi nito ang pagsalubong ng brand kay Bea Alonzo sa lumalaki nitong pamilya bilang opisyal na endorser ng pinakabago nitong produkto na Etre Clair Refreshing Mouth Spray. 

Aminado si Ms. Rei na nang sinimulan niya ang kanyang kumpanya 11 years ago, isa ang Kapamilya actress sa ultimate dream niya na makasama bilang bahagi ng roster of Beautéderm Brand Ambassadors. Kaya naman happy ang bata at seksing CEO ngayong nagkatotoo na ang kanyang pangarap na mapabilang ito sa kanyang stable of amazing endorsers.  “Ina-admire ko si Bea,” sabi ni Ms. Rhea. “It has always been a dream of mine to collaborate with her as an endorser of Beautéderm. Nung una, parang imposible ang pangarap kong ito dahil sa humble beginnings ng kumpanya kaya naman talagang nagsumikap kami hanggang ito na nga at nagkatotoo na ang pangarap namin. It took me 11 years to make my dream come true and Bea is truly worth the long wait. Napakasarap din katrabaho ng kanyang manager na si Ms. Shirley Kuan. Very professional at very humble siya – she is everything that I imagined her to be. This is truly a wonderful birthday gift to me,” banggit ni Ms. Rei.

Si Bea naman ay napakasaya rin. “It feels great! I’ve always been curious about the brand. Gusto ko kung paano lumaki ang kumpanya at kung gaano kabilis lumaki ang pamilya nito,” sabi ni Bea.

Dagdag pa ni Bea na balitang tuloy na ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz - “Ang saya ko nung nagkita kami nung shoot namin. I like being around strong and empowered women. Excited ako sa aming future campaigns,” papuri nito sa kanilang lady boss.

Ang Etre Clair ay isang antibacterial mouth spray, na bahagi ng all-natural healthcare line ng brand. Made with 100% organic ingredients, mayroong potent antibacterial ingredients ang mouth spray na ito na tumutulong sa mga throat discomforts na sanhi ng mga harmful microorganisms. “These days, lagi kong ginagamit ang Etre Clair, and I suggest for everyone to use it as often to protect ourselves, lalo na ngayong mahirap ang kinakaharap natin. At organic at mint flavored pa ito. Fresh na fresh talaga ang feeling,” banggit pa ni Bea, lalo na nga’t sinasabing in 30 second pag nag-mouth bath ka mabibilis ito makamatay ng harmful bacteria.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Etre Clair, ito ang major sponsor ng episode 77 ng Take It... per Minute, Me Ganun, ngayong tanghali na mapapanood sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

 

 

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with