Sue, natakot makabangga sa Morocco
Sue Ramirez

Sue, natakot makabangga sa Morocco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

Napapanood na ngayon sa pamamagitan ng Netflix ang pelikulang Finding Agnes na pinagbibidahan ni Sue Ramirez. Masayang-masaya ang aktres dahil ibang-iba raw ang kanyang ginawa para sa naturang digital film. “I accepted this role because I wanted to do something lighter than my previous role that I’ve done. It’s not the heavy drama type. It’s a very quiet film and it’s something new for me to express emotion through…parang mas quiet na approach. Sometimes it’s not always about splurging ang giving out all the emotions in a big way. Sometimes ‘yung hurt nasa pinakamaliit na nuances, nando’n sa pinakamaliit na emotions, pinakamaliit na acting. It was really the script that made me like to do the project,” pagdedetalye ni Sue.

Hinding-hindi makalilimutan ng aktres ang bagong pelikula dahil sa Morocco pa kinunan ang mga eksena dito. Ayon kay Sue ay talagang maganda ang lahat ng lugar sa bansa kahit saan ka mapatingin. “Anywhere you go is picture perfect. Kahit saan puwede ka magpa-picture at Instagrammable ang magiging photos mo. Napakaganda ng bansa na ‘yon, napakaganda ng weather. Kahit mag-jogging ka buong araw, hindi ka pagpapawisan. Kasi ang lamig ng hangin kahit tirik na tirik ‘yung araw, relaxing ‘yung lugar. It feels like home dahil very hospitable ang mga Moroccans. Masarap mag-shoot doon kasi f­eeling at home kami do’n,” kuwento ng dalaga.

Ayon kay Sue ay nahirapan lamang siyang gawin ang ilang eksena dahil kinailangan niyang magmaneho ng kotse sa kalye “I was driving a lot. Sobrang daming motor. Buti na lang sa Pilipinas, ako nagda-drive sa sarili ko. Kaya sanay na sanay din naman ako. At manual ‘yung sasakyan, manual din naman ang kotse ko. Siyempre ‘yung takot mo na nasa ibang bansa ka. ‘Pag nakabangga ka, ano kayang mangyayari sa ‘yo? ‘Yon ‘yung pinaka-intense kong eksena,” paglalahad ng aktres.

Kyle, napagbago ni Francine

Maraming mga tagahanga nina Francine Diaz at Kyle Echarri ang nagtatanong kung ano na ang tunay na namamagitan sa dalawa ngayon. Matatandaang pumatok ang tambalan nina Francine at Kyle dahil sa teleser­yeng Kadenang Ginto. “Well, siyempre ngayon as a friend. She knows a lot about me that I haven’t really told any other person basta sobrang halaga niya bilang kaibigan sa akin,” bungad ni Kyle.

Para naman kay Francine ay talagang espesyal din ang turing niya sa aktor. “Kasi may mga pagkakataon na hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala akong kaibigan kagaya niya. In short, hindi ko alam kung paano ako dati kung wala siya,” makahulugang pahayag ni Francine.

Ayon kay Kyle ay malaki na rin ang kanyang ipinagbago mula nang maki­lala at mapalapit sa dalaga. “Yeah, ‘coz there’s only a few people that you will meet that can change your life and Francine is one of those people,” pagtatapat ng aktor. Reports from JCC

SUE RAMIREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with