Maureen na-stress sa pagbabawas ng kaibigan
Maureen

Maureen na-stress sa pagbabawas ng kaibigan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

“It’s been a stressful week” ang post kahapon ni Maureen Wroblewitz sa kanyang Facebook account, dahil sa inabot niyang matinding bashing dahil lang sa huling interview namin sa kanya.

Hindi na-gets ng mga basher ang ibig sabihin ni Maureen na na-disappoint siya sa ilang kaibigan na hindi man lang nag-iingat ang iba na may COVID-19 pala tapos lumalabas pa sila at nakiki­pagsalamuha sa ibang tao.

Sobrang ingat kasi ni Maureen at hindi siya lumalabas, pero nahawa pa rin siya. Ang tanging naalala niya ay merong isang kaibigan na pumunta sa condo unit niya dahil may hinatid ito sa kanya.

Noong nakumpirmang positibo siya sa COVID, talagang nag-ingat siya at hindi lumalabas hanggang sa tuluyan na siyang gumaling.

Pero doon daw niya lalo nakilala ang mga tunay na kaibigan. Kaya noong in-interview ko siya sa radio program namin noong nakaraang linggo, sinabi niya ang mga ganu’ng disappointment sa ilang kaibigan.

Sinundan ko siya ng tanong kung magbabawas na ba siya ng mga kaibigan dahil diyan, at sinagot naman niya ng ‘Yes’ dahil talagang disappointed daw siya.

Dito na-bash siya nang husto na parang kayabangan naman daw iyon na magbabawas siya ng kaibigan.

Hindi nila naintindihan ang naramdamang pagkadismaya ni Maureen sa mga itinuturing niyang kaibigan.

Pero grabe ang bashing sa kanya noong nakaraang linggo na iniyak na lang niya at naka­dagdag pa ng stress sa kanya.

Nadagdagan pa na may sakit ang aso niya nung time na iyon, kaya naiyak na lang daw siya. Hindi na lang pinansin ni Maureen kung hindi siya naintindihan ng mga ito.

Hindi siya kagaya ni Nadine Lustre na talagang kinakalaban niya at pinapatulan ang mga ba­shers.

Tahasang sinabi ni Nadine sa isang interview; “Ang mga haters parang walang character development,” sabay thumbs down niya.

Na-comment din ni Nadine sa isang thread na “haters who use fake accounts don’t have balls.”

Kay Maureen naman ay mas pinapansin na lang niya ang mga hindi nakaka-nega, at nandiyan naman ang pamilyang laging nakasuporta sa kanya.

Tekla at Donita Nose lumakas ang tandem sa issue ng hiwalayan

Malamig nga raw ang Pasko ngayon kay Super Tekla, iyon ang inamin niya sa interview sa kanya nina Boobay at mga kasamahan nilang Mema Squad na lumabas sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo ng gabi.

Hindi niya itinangging minahal niya nang husto ang dating partner na si Michelle, pero ang mas nami-miss daw niya talaga ay ang anak nilang si Angelo.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw niya masasabing okay na okay na ang kanilang anak kaya nakatutok siya sa bata lalo na pag na-hospitalize ito. Nagkausap naman daw sila ni Michelle tungkol sa bata at baka raw makasama naman daw niya ito sa darating na Pasko.

Nalulungkot daw siya kapag naiisip niyang lumalaki ang kanyang anak na hindi siya ang pala­ging nakasama. “Wala siya sa piling ko eh,” pakli ni Tekla sa kanilang pa-presscon segment ng TBATS.

“Iyon ang pinaka na-miss ko talaga. Kasi hindi ko alam kung paano siya mag-stand kasi napakamurang edad pa niya. Hindi ko alam kung maibibigay ba ang tamang care for him na sana nandu’n ako,” pahayag pa ng comedian/TV host.

Malakas ang kutob ng mga malalapit niyang kaibigan na posibleng magkabalikan sila ni Michelle, pero dahil sa matinding pinagdaanan ng kanilang relasyon, naisip ni Tekla na huwag na lang.

Nabanggit niya noon na pagtuntong niya ng edad 40 ay magpapakasal na siya. Puwedeng gawin na niya ito two years from now, pero sa ngayon ay hanggang sa pagpapatawad na lang daw siya.

“Minahal ko rin naman ‘yun. Hindi naman puwedeng itapon ‘yung limang taon. Kung meron mang nakakakilala kay Michelle ng lubos, ako ‘yun.

“Pero daraan siya sa matinding ano eh…pero wala namang problema sa akin ‘yun. Minahal ko siya, tinanggap ko siya nang buong-buo. Pero sa nangyari… o umaray ako, nadurog ako, pero nagawa kong magpatawad sa kanya, despite nu’ng ginawa niya.

“Ang ginawa ko, ni let go ko na para hindi mag-stop dito sa puso ‘yung galit, pinatawad ko siya,” seryosong pahayag ni Tekla.

Malaki ang pasasalamat niya na nandiyan ang mga malalapit niyang kaibigan kagaya ni Donita Nose na talagang nakaintindi sa kanya nang husto.

Sa totoo lang, mas lalong bumongga ang tandem ngayon nina Donita at Tekla, dahil sa lalong dumami ang views ng kanilang Donekla YouTube channel dahil sa isyu. Ang latest na narinig namin, sa lakas ng kanilang vlog na naglilinis ng condo unit ni Tekla, kumita raw sila roon ng halos P4M.

 

MAUREEN WROBLEWITZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with