^

PSN Showbiz

Lorin, box office sa social media ang two-piece swimsuit pictorial

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lorin, box office sa social media ang two-piece swimsuit pictorial
Lorin

Grabe ang likes sa social media ng pictures ni Lorin Gutierrez kung saan ay naka-two-piece swimsuit ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez.

Kuha sa bakasyon nila kamakailan sa Boracay Island ang pictures na ‘yon ni Lorin. Actually, pinost din ni Ruffa ang isang picture ni Lorin na naka-two-piece swimsuit.

Sa tsikahan namin ni Ruffa kahapon ay nabanggit ko sa kanya na maraming naseseksihan kay Lorin. Siyempre, thankful naman ito sa positive feedback ng netizens sa mga picture ng anak.

Marami nga ang nagsasabing tiyak daw na susundan din ni Lorin ang mga yapak ni Ruffa at magiging beauty queen din in the future.

Pero sa ngayon, sa tingin ko, kung sakaling pasukin man ni Lorin ang mundo ng beauty contest, baka matagalan pa ‘yon dahil mas gusto niyang mag-concentrate sa kanyang studies. Next year na siya magtatapos ng high school at pinaghahandaan niya ang pagka-college.

Sa ngayon, ok na rin naman kay Ruffa na mag-aral abroad si Lorin, pero just to be sure, kung sakaling magbago ng desisyon ang teenager na anak, magte-take pa rin daw si Lorin ng entrance examination sa isang school dito sa atin.

Siyempre, matindi pa rin hanggang ngayon ang COVID-19 pandemic, kaya baka posible rin na hindi nga muna matuloy ang pag-aaral ni Lorin abroad.

Kris at dating business manager, tapos na ang demandahan

Nakatsikahan ko si Atty. Jesus Falcis, ang nakababatang kapatid ni Nicko Falcis. Si Atty. Jesus ang nagtsikang nasa bansa ngayon ang kanyang kuya na dating business manager ni Kris Aquino.

Tapos na tapos na ‘yung demandahan sa pagitan nina Nicko at Kris at sa ngayon, marami raw mga business na inaasikaso ang kuya ni Atty. Jesus.

Sa Thailand pa rin madalas si Nicko dahil sa ilang negosyo roon.

Anyway, sa tsikahan namin ni Atty. Jesus, nagulat ako nang banggitin niya na favorite pala nila ng kanyang pamilya noong araw si Manay Lolit Solis. Nanonood daw kasi sila noon ng showbiz talk shows.

Anyway, namamayagpag nga pala ngayon si Atty. Jesus sa FM radio ng TV5, ang 92.3 kung saan ay may program sila ni Atty. Bruce Rivera.

Alam mo ba, Ateng Salve, na nakikinig ako palagi sa Boljak program nila at nakakaaliw silang dalawa, huh!

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

LORIN GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with