Alfred, walang planong tumigil sa pagpo-produce
Alfred

Alfred, walang planong tumigil sa pagpo-produce

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng mga taga-movie industry, tuloy pa rin ang buhay at nagpasalamat ang mga filmmaker na itinuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival.

Sa huling pagpupulong ng lahat na mga alkalde sa Metro Manila, napagdesisyunan na nilang hindi na muna talaga magbubukas ng mga sinehan, at maaaring na susunod na taon na ito mangyari.

Kaya talagang online ang MMFF, at pati ang ilang activities ng taunang filmfest.

Pero ang latest na nabanggit sa amin ng spokesperson ng MMFF si Noel Ferrer ay baka magkakaroon pa rin daw ng mga karosa ng bawat pelikulang kalahok na ilalagay lang daw sa Quezon Memorial Circle, dahil ang Quezon City ang host ngayong taong ng MMFF.

Nandun pa rin daw sa mga karosa ang mga artistang bahagi ng MMFF movies pero kukunan lang sila at virtual itong mapapanood sa online app ng MMFF, ang Upstream. Iiwasan pa rin nilang pagkaguluhan ng mga tao para ma-practice ang social distancing.

Ang parada ang isa sa nami-miss ng mga artistang nakasali sa MMFF.

Sabi nga ni Vhong Navarro ng pelikulang Mang Kepweng: Lihim ng Bandanang Itim, sa parada raw siya na-excite nang husto dahil doon sila nakakapag-ikot sa fans para ma-promote na ang pelikula.

Si Nora Aunor naman na bida sa pelikulang Isa Pang Bahaghari ay kahit paano ay nakapag-adjust na siya sa ganitong setup.

Sa kabila nitong hirap na pinagdaanan natin sa pandem­ya, hindi ito dahilan para tumigil na sa pagpu-produce si Cong. Alfred Vargas. Nagpapasalamat din siya sa mga taga-MMFF na itinuloy pa rin ang taunang filmfest. Doble-doble ang pasasalamat niya na nakapasok ang pelikula niyang Tagpuan kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao na dinirek ni Mac Alejandre.

“At the end of the day, kahit na anong mang­yari mahal natin ang filmmaking. Mahal natin industriya natin. Kaya natin ito ginagawa kasi mahal natin yung art.

“Mahal natin itong ginagawa natin, not being an actor, as well as being a producer. Sobrang dami naming pinagdaanan dito. I’m very happy and excited and I just want to tell everyone that it’s very amazing to work with Iza Calzado once again and first time with Shaine Magdayao.  Thank you na rin sa MMFF, kahit na ganito ang situation natin sa COVID we were able to make the most what we have right now. And tuloy lang ang pelikulang Pilipino,” pakli ni Cong. Alfred sa nakaraang mediacon ng MMFF 2020.

Ngayong umaga nga pala ay mapapanood pa ang biographical film na Supremo ni Alfred Vargas sa Kapuso Movie Festival pagkatapos ng Mars Pa More sa GMA 7.

Bahagi ito ng pag-alala sa birth anniversary ng ama ng Philippine Revolution na si Andres Bonifacio. Isa ito sa mga ipinagmamalaking pelikula ni Alfred na dinirek ni Richard Somes.

Isang malungkot na balita ang bumulaga kahapon ng umaga. Ang pagpanaw ni April Boy Regino.

Nasa Facebook account ng kapatid ni April Boy na si Vingo Regino ang kanyang shout out na, “Nakakalungkot naman ang araw na ito…wala na ang Kuya April Boy ko…”

Taong 2015 ay na-diagnose ng Diabetes si April Boy na iyon ang dahilan ng pagkabulag ng isang mata niya. Doon sinasabi nga niyang nawalan na siya ng ganang gumawa ng kanta.

Nasundan naman ito ng Prostate Cancer at tinulungan pa nga siya ni Willie Revillame na operahan.

May in-endorse pa si April Boy na supplement na sinasabi siyang gumaling ang kanyang Cancer.

Dating driver ni April Boy ang kasalukuyang driver ko na minsan ay nagda-drive din kina Nay Lolit at ilang kaibigan.

Maraming kuwento ang driver ko noong kasikatan ni April Boy. Kaya na-enjoy niya ito lahat at nabigyan din siya ng pagkakataong magbago at napapalapit pa siya sa Diyos.

Nai-record pa ng sikat na singer ang album na Hesus Tanging Hiling na kung saan doon niya inilahad ang mga pinagdaanan niyang sakit, kaya humingi siya ng tulong sa Panginoon na malagpasan niya ito lahat.

Sa awitin ding iyon ay nagpasalamat siya sa Panginoon sa lahat na tagumpay na ibinigay sa kanya.

Nakikiramay po kami lalo na sa asawa ni April Boy na si Madel na marami ring kaibigan sa showbiz.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with