Bela, niri-reach out sa mga nanghihingi ng tulong
Bela

Bela, niri-reach out sa mga nanghihingi ng tulong

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

Aktibo si Bela Padilla sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Nasaksihan umano ng aktres ang hirap na nararanasan ng mga tao ngayong panahon ng pandemya at ng mga nasalanta ng mga kalamidad. “I started being conscious about helping the community at the start of quarantine. So right now I’ve just been continuing what I’ve been doing from the start. My best friend Danny and I are accepting donations. We’ve been getting suppliers for I guess food na we could get cheaper para mas maraming matulu­ngan. So right now we’re in that process. But other than that, I’m very proud of the industry that I work in. Kasi I see na lahat gumagawa ng efforts to really help. Iba ‘yung physical na ikaw din ‘yung guma­gawa na ikaw ‘yung nagre-repack, ikaw ‘yung nag-aabot, and that’s very commendable,” pagbabahagi ni Bela.

Para sa aktres ay masaya sa pakiramdam na marami sa mga kabataang tulad niya kahit hindi artista ang tumutulong sa kapwa ngayong panahon ng krisis. “I see a lot of young ones on Instagram and on Twitter, sending messages asking for help or they share their emotional experiences throughout the quarantine especially because of the two typhoons that we’ve experienced. Parang meron na ring mental health dilemma na nangyayari. Sometimes I feel like we don’t notice anymore because we keep on focusing only on the basic necessities to survive which is very sad. So right now, I try as much as possible na mag-reach out ‘pag merong humingi ng tulong or kailangan ng kausap. I try to reply to a point naman din na hindi ko naman din masyado binubugbog ‘yung my own mental health. Kasi you can’t pour into another’s cup if yours is empty,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Paghuli ng mga pulis kay Dennis Roldan, sariwa pa sa alaala ni Marco

Sariwa pa rin hanggang ngayon sa isipan ni Marco Gumabao ang nasaksihang pagdakip ng mga pulis sa amang si Dennis Roldan noon.

Nasangkot noong 2004 ang dating aktor sa isang kidnapping case na ­naging dahilan ng pagkakakulong nito.

“Alalang-alala ko pa the night before hinuli ‘yung daddy ko, for some strange reason I asked my mom, ‘Matutulog ako sa kwarto n’yo.’ Hindi naman ako natutulog sa kuwarto nila pero that very night, hindi ko alam kung bakit pero something just told me na doon ko gusto matulog. And then the next day, it was 5:00 a.m. biglang ginigising ako ng mommy ko na, ‘Marco, go to the bathroom.’ So do’n kami nagtago ng mommy ko sa bathroom. Bigla na lang ‘yung next memory ko was sinira na lang ‘yung door namin sa bathroom. Kinuha ako ng isang pulis tapos binaba niya ako sa sala namin. On the way out, nadaanan ko ‘yung daddy ko, nakadapa na siya sa kama namin tapos pinoposasan na. Mga 20 to 30 pulis nasa bahay namin,” pagdedetalye ni Marco.

Sampung taong gulang lamang noon si Marco nang masaksihan ang mga pangyayari. Dahil dito ay nakaranas umano ng pambu-bu­lly ang aktor at ang mga kapatid na babae sa eskwelahan. “No’ng nasa school kami it was really a hard time for us. Kasi siyempre ‘yung mga tao, ‘yung mga kaklase mo sasabihan ka, ‘’Yung tatay mo kidnapper.’ Aasarin ka talaga. ‘’Yung tatay mo nasa kulungan, ‘yung tatay mo criminal.’ Gano’n ‘yung mga naririnig namin siyempre until now. May mga haters pa rin diyan na ibabalik nila kung anong nangyari,” kuwento ng aktor.

Mas pinatibay ang samahan ng buong pamilya ni Marco dahil sa kasong kinasangkutan ng ama. Marami ring mga magandang pagbabago sa pamilya ng binata dahil sa mga nangyari. “Itong ganitong klaseng tragedy na nangyari sa family namin, it all made us stronger. It all made us gel together more. Kumbaga nagka-foundation kami, daddy namin naging pastor sa loob ng kulungan. The first year na nando’n siya, Born Again siya sa kulungan. That for us was the biggest turning point of our lives,” pagtatapos ni Marco.

(Reports from JCC)

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with