Mga Koreano, mas priority ang bayan!
Park Bo-gum

Mga Koreano, mas priority ang bayan!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

Siguro dahil maganda talaga ang pagpapatakbo ng Korean government, kaya hindi nanghihinayang ang top stars nila sa mandatory two years military service.

Kasi usually, sa gitna ng kanilang busy career, bigla silang ipatatawag para sa kanilang military training.

Tingnan mo si Park Bo-gum, talagang tinapos niya lang ang Record of Youth tapos dumiretso na sa military camp.

Si Lee Min-ho tinapos lang ang lahat ng commitment, tapos enter na din agad sa camp.

Bongga ang sacrifice nila, talagang country first bago career, duty as citizen bago fame and money.

Bongga ang patriotism, kainggit. Sana ganu’n din sa atin, para mahal natin ang bayan natin.

Hindi ‘yung pinupuri natin ang ibang bansa, samantalang Pilipino tayo. Dapat ang ipagmalaki natin ang atin, hindi ang sa iba. Dapat ibalik ang ROTC, at magkaroon din tayo ng training na ganito para sa pagmamahal sa bayan.

Training noh, hindi hazing. Instill the love for the Philippines.

Engagement nina Luis at Jessy, hinihintay ang confirmation

Wow, meron na raw engagement ring si Jessy Mendiola mula kay Luis Manzano. Good news dahil matagal nang hinihintay ng lahat ang wedding nina Luis at Jessy. At mukha namang perfect couple sila dahil wala tayong narinig na nag-away o naging pagtatalo ng dalawa.

Good timing din for Luis dahil nasa tamang edad na sila pareho na mukhang alam na ang mga responsibilidad nila na dapat harapin.

So far, ok na ok din ang dalawa kay ate Vilma Santos na excited na rin sa pag-aasawa ng anak na si Luis. Sabi nga ni Cong. Vilma dapat lang daw dahil sabik na siya sa apo.

Palagay ko magiging sweet husband si Luis, dahil napaka-sweet niya as a person at napakabait na anak, kaya for sure magiging good husband material.

Kung totoo ang balita, congrats, Luis and Jessy, may you be happy for the rest of your life. Best wishes.

PARK BO-GUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with