Jinkee at Mommy D. bibida rin sa game app ni Sen. Manny!
Mommy D at Jinkee

Jinkee at Mommy D. bibida rin sa game app ni Sen. Manny!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Grabe namigay na nga ng tulong si Sen. Manny Pacquiao, binibira pa siya ngayon dahil sa pag-violate diumano sa mass gathering.

Natural kasi na ‘pag nalamang darating ang boxing champion sa isang lugar, like sa Batangas, dadagsa ang mga nangangailangan at naghihintay ng tulong lalo na nga’t malapit na ang Christmas.

Nagkakaroon sila ng kaunting pag-asa na baka si Sen. Manny na ang hinihintay nila.

Kaya ang tendency, mass gathering.

Sa kasalukuyan, binabawalan pa rin ang malakihang pagtitipon para hindi na dumami pa ang magkaroon ng infection ng coronavirus.

Anyway, marami namang celebrity gamers ang nag-welcome kay Sen. Manny bilang newest ambassador Mobile Legends na kahapon niya officially ini-announce sa kanyang social media accounts. “I’m now ready to enter a new arena! I am very excited to announce this amazing opportunity to be MLBB’s newest brand ambassador. Join me on this journey and as allies, we will be legends.”

Samantala, bibida rin pala si Mommy Dionisia at malamang pati ni Jinkee sa isang mobile game application na pinagbibidahan ng boxing champion.

Kasama rin kaya rito ang Hermes collection ni Madam Jinkee?

JINKEE PACQUIAO MOMMY D
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with