Jay-R Siaboc

Dating singer na si Jay-R Siaboc umaming naloko ng manager, napanalunan sa PDA nakasama

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Ahh, naloko pala ng kanyang manager ang Cebuano singer na si Jay-R Siaboc at kasama sa diumano’y nakuha nito ang hinahabol niyang condo unit at franchise ng isang brand ng waffle na napanalunan niya bilang first runner-up sa Pinoy Dream Academy ang ABS-CBN years ago.

Bigla kasing umingay sa social media ang pangalan ng dating singer matapos nga itong mag-reklamo na diumano’y hindi pa niya nakukuha ang premyo niya sa nasabing talent search at ang impression sa nasabing post niya ay ang ABS-CBN ang hindi nagbigay sa kanya ng mga nasabing premyo.

‘Yun pala, ang kanyang manager na diumano’y nanloko nga sa kanya base sa isang interview niya sa pinadala ng isang reader ng PSN and philstar.com.

Diumano ay naubos ang mga naipundar niya ng nasabing manager na pangalan lang ang nabanggit at walang last name sa nasabing interview.

Ayon pa sa mga statement ni Jay-R, ang akala niya ay ang nasabing manager niya ang tutulong sa kanya para maging maayos ang buhay niya. Pero ‘yun nga, niloko raw siya.

Nabanggit din ni Jay-R sa nasabing interview na joint account daw kasi sila.

Ah ‘yun naman pala ang back story sa hinahabol niyang premyo sa PDA.

Actually, hindi ko na nga maalala si Jay-R kundi lang may isang reader na nag-send ng lumang interview niya at doon nga naka-qoute siya na ganun nga ang masaklap na karanasan niya sa dati niyang manager.

Natakot lang daw itong magkuwento noon pero ngayon daw ay handa na siya.

Well, kakaawa naman siya pero marami rin naman kasing negative feedbacks noong medyo nagka-career siya after PDA.

JAY-R SIABOC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with