Ligaya at liwanag ng ABS-CBN, nakakuha agad ng milyones na views
ABS-CBN Christmas ID

Ligaya at liwanag ng ABS-CBN, nakakuha agad ng milyones na views

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

More than 1.5 million na ang views ng ABS-CBN Christmas ID kahapon sa YouTube.

Ito ay matapos nilang i-release ang lyric video ng Ikaw Ang Liwanag at Ligaya noong Biyernes bilang patikim sa premiere ng 2020 ABS-CBN Christmas ID sa darating na Martes (Disyembre 1) pagkatapos ng TV Patrol.

Mensahe ng bagong awitin para sa Pasko ang kahalagahan ng panalangin na nagdadala ng liwanag at ligaya sa buhay sa kabila ng madidilim na bahagi ngayong taon ang kabuuan nito. Binigyang diin din sa kanta, na nagtatampok sa tinig ng 20 Kapamilya artists, ang pag-ibig na ibinabahagi sa kapwa na nagmumula naman sa Diyos, ang unang liwanag at ligaya ng ating pamilya.

Kapansin-pansin din na tampok sa lyric video ang pagsalin ng mga salitang “liwanag” at “ligaya” sa iba’t ibang lengwahe sa bansa at sa ibayong dagat. May Waray, Kapampangan, Maguindanao, Italian, Korean, Arabic, at iba pa.

Kabilang sa mga umawit tungkol sa kislap ng pag-ibig at pag-asa sina Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Morissette Amon, Bamboo, Janine Berdin, Darren Espanto, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Jona, Moira, Martin Nievera, Elha Nympha, Zsa Zsa Padilla, Inigo Pascual, Angeline Quinto, Lea Salonga, Erik Santos, KZ Tandingan, at Gary Valenciano. Sinulat nina Robert Labayen at Love Rose De Leon ang mga salita sa Ikaw Ang Liwanag at Ligaya habang likha naman ni Thyro Alfaro ang musika nito.

Unang napanood ang ABS-CBN Christmas ID lyric video (Ikaw Ang Liwanag at Ligaya) sa iWantTFC at muling mapapanood sa iba-ibang plataporma ng network na kasalukuyang walang free TV.

In all fairness, kahit nga nag-alisan na ang ibang singer ng network andun pa rin sa station ID ang mga masasabing A-list singers sa bansa.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with