Pananim ni Nora, hindi napakinabangan
Nora

Pananim ni Nora, hindi napakinabangan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Ang laki nang panghihinayang ni Nora Aunor na wala silang napakanibangan sa malawak niyang palayan sa Iriga, Camarines Sur dahil nasalanta ito ng magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses.

Nasa taping siya noon ng Bilangin ang Bituin sa Langit nang ibinalita sa kanyang nasalanta nang husto ang palayan niya kaya wala silang aanihing bigas. “Wala talaga akong napakinabangan sa palayan ko sa Iriga. Balak ko sana, ‘yung aanihin ko doon ay ipapa­bigas ko at pamimigay sa mga nangangailangan gaya ng ginawa ko po nung nakaraan.

“Nanghihinayang ako dahil kahit papaano sana ay makaka­dagdag ‘yun sa mga ginagawa na­ting kawanggawa,” pahayag ni Nora sa aming pakikipag-usap via FB messenger.

Naawa rin daw siya sa mga magsasaka dahil nga wala silang aanihin. Mabuti na lang daw ngayon at unti-unti nang nakakaahon ang Bicol kahit matindi ang pinagdaanan nito.

Nagpapasalamat din si Ate Guy sa mga loyal Noranians niya dahil tumutulong sila sa binuo nilang fundraising project na Restore Bicol at meron daw silang T-shirt for a Cause na ang kikitain ay para na rin daw sa mga taga-Virac, Catanduanes.

“Mula naman ito sa BONA (Believers Of Nora Aunor) sa pamumuno ni Emily Martin. Sa isang T-shirt na bibilhin n’yo po, may isang pamilya kayong matutulungan. May T-shirt na kayo, nakakatulong pa po kayo,” dagdag na mensaheng ipinarating sa amin ng Superstar.

Samantala, natutuwa naman si Ate Guy sa pagpasok ng pelikula niyang Isa Pang Bahaghari sa Metro Manila Film Festival 2020.

Medyo maninibago lang daw dito ang mga manonood dahil online. Pero sana suportahan pa rin daw.  “Nakakapanibago dahil siyempre first time ito mangyari sa MMFF. Sa pagkakaalam ko, hindi pa masyado ang kaalaman ng iba sa ganitong sistema. Ang hiling ko na lang sana suportahan ng mga Pilipino ang pagpapalabas online ng mga pelikulang kalahok ngayong taon, lalo na ang pelikula naming Isa Pang Bahaghari,” sabi pa ni Ate Guy.

Na bash sa paghahabol ng premyo, naungkat ang nakaraan sa bakla

Sa halip na kaawaan, na-bash pa ang singer na si pagkatapos niyang sabihin sa kanyang Facebook account na hindi pa raw nabibigay hanggang ngayon ang premyo niya sa Pinoy Dream Academy bilang 1st runner-up sa naturang talent-reality search.

Sabi niya sa kanyang FB account; “Nung nag-1st runner-up aq sa PDA (Pinoy Dream Academy) kasama sana sa premyo q ay condominium at franchise ng Belgian Waffle, pro sad to say, both di q natanggap ang mga to, di q alam kung makukuha q pa ba to, pro sana at ngayon naman sa mga kanta q WLA nman aq natanggap.”

Sinabi pa niyang sa panahon daw ngayon ay naaalala na lang daw niya ang mga ganung bagay dahil wala naman siyang pinagkakakitaan.

May ilang nam-bash sa ABS-CBN 2 na ganun daw talaga ang kalakaran sa ibang pakontes ng naturang network, pero ang karamihan ay nagtataka bakit ngayon lang daw ito sinabi ni JayR pagkatapos ng mahabang panahon.

Sa pagkakaalam naman daw nila ang grand prize winner lang ang may ganung premyo, pati raw pala ang first-runner up.

Kahit ako rin ay nagtataka bakit nung kasikatan pa niya ay hindi niya ito sinabi habang may lakas pa siya at napapakinggan ang boses niya. Pati tuloy ang pagkasangkot niya sa maimpluwensya at powerful na bading ay naungkat. Bakit hindi raw siya nagpatulong noon pa.

Pero kahit paano ay thankful pa rin si JayR Siaboc dahil nag-hit pa rin ang kanta niyang Hiling na naka-25M views na sa YouTube channel ng Wish 107.5 na in-upload pa noong Oktubre 2017.

Alden makiki-jamming

Tuluy-tuloy pa rin ang Pasko sa All-Out Sundays, at bilang paghahanda na rin sa nalalapit na virtual concert ni Alden Richards, may acoustic jamming session siya kasama sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro. Bukod pa riyan, malakas pa rin sa mga televiewers si DJ Loonyo, kaya may pakilig siya sa Sing-Kilig segment na ihu-host nina Ken Chan at Rita Daniela.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with