Angel, nag-vlog para sa mga dating katrabaho!
Angel

Angel, nag-vlog para sa mga dating katrabaho!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Isa si Angel Locsin sa mga artistang aktibong nagpapaabot ng tulong sa mga kababayang mayroong pangangailangan. Personal pang pinupuntahan ng aktres ang mga lugar kung saan marami ang natutulungan tuwing may sakuna o kalamidad.

“’Yon lang naman talaga ‘yon. I’m sure lahat ng mga nandito, ay ginawa rin naman nila ang part nila bilang isang Pilipino. Lagi nga nating sinasabi na, ‘Iba ‘yan!’ Iba tayong mga Pilipino, iba tayong magbayanihan. So bilang isang Pilipino ginagawa ko lang din ang parte ko at sana ma-inspire rin ang ibang tao na gawin din ang parte nila. ‘Yon lang naman,” paglalahad ni Angel.

Kamakailan ay sumabak na rin ang aktres sa paggawa ng video blogs kung. Gusto lamang umanong makatulong ni Angel at kasintahang si Neil Arce sa mga kasamahan sa ABS-CBN na nawalan ng trabaho. Matatandaang hindi nabigyan ng Kongreso ang Kapamilya network ng panibagong prangkisa na siyang naging dahilan upang maipasara ang kompanya. “Nagkaroon ng retrenchment sa ABS-CBN, inisip namin bakit hindi tayo mag-vlog para mabigyan natin ng trabaho ang mga nawalan ng trabaho. Kahit paano ay makapag-provide tayo. So doon kami nagsimula. Para magamit mo rin ang platform mo to raise awareness o makapag-give back din sa mga tao. Of course sisingitan mo ng mga episode na gustong marinig ng mga tao para mag-subscribe sila. Pero nandoon pa rin ‘yung goal natin na ito ay para sa tao, mag-give back tayo. And I think lahat ng mga gumagawa ng vlogs ngayon ay ginagamit nila ang platform nila para maka- reach sila at maka-influence ng mas maraming tao,” paliwanag ng dalaga.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makasama ni Angel sa mga vlog na gagawin pa lamang ang ilang malalapit na kaibigan sa show business katulad ni Dimples Romana. “May mga usapan na kami ng collaboration na talaga but nahihirapan lang kami sa schedules, sa kung paano. Siyempre kasi may protocols ngayon. Kailangan pang magpa-antigen, ganyan. Medyo complicated lang ngayon pero gustung-gusto ko talaga ‘yon,” pagtatapos ng aktres.

Maris at Inigo, hindi nagkailangan

Napapanood na ngayon sa pamamagitan ng iWantTFC ang Boyette: A Not Girl, Yet na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla. Ngayon lamang muli nagkatrabaho ang dating magkatambal na sina Maris Racal at Inigo Pascual para sa naturang digital film.

Nagkaroon na ng kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang dalawa pagkatapos magkatambal sa maraming proyekto noon. Kahit nagkahiwalalay ng mga landas ay nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa. Nabanggit ng aktres noon sa isang panayam na ‘binasag’ diumano ni Inigo ang kanyang puso. “Sa akin naman, wala namang pagbabago. Wala at all, parang we are still the same. Strange lang kasi ang tagal naming hindi nagka-work together. It’s been almost a year or more than a year. Nakakatuwa lang kasi walang ilangan na nangyari. We are just normal. Work, that’s work. We are very civil naman to each other,” maikling pahayag ni Maris. (Reports from JCC)

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with