^
Derek, Alden at Gerald, hirap makahanap ng âthe oneâ
Gerald

Derek, Alden at Gerald, hirap makahanap ng ‘the one’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Sa tagal ko sa showbiz, naniniwala ako na ang mga male star na sinasabing womanizer ‘pag nakita na ang ‘the one’ para sa kanila nagiging very loving at responsible husbands?

Na talaga siguro na sa paghahanap nila ng tunay na mamahalin, nagkakaroon sila ng string of girlfriends at natatatakan ng playboy. Pero pagdating ng oras na nag-settle down na sila, masa-shock ka na devoted husband and father ang peg nila.

Saka naniniwala ako na iyon pagpapakasal timing din para sa lalaki. Meron akala mo hindi patatali, na-under estimate mo iyon relasyon pero bigla, hayun at nagpakasal.

Kaya dapat lang maging open at liberal tayo dun sa mga actor na papalit-palit ng girlfriend, dahil baka nasa stage pa rin sila ng paghahanap. Antayin natin ang oras na matagpuan nina Derek Ramsay at Gerald Anderson ang ‘the one’ nila, at pagdating ng oras na iyon, saka natin tingnan kung ano ang ending pero sure ako sa altar din iyan para magpakasal.

Suwerte naman ‘pag tulad ka ni Alden Ri­chards. Sa paghahanap at look out sa ‘the one’ hindi nagkaroon ng mga relasyon. Kumbaga, nanatili talagang single, unattached at talagang iyon the one lang ang talagang hihintayin.

Suwerteng babae dahil along the way to her, walang naging sabit si Alden.

Iba-iba rin talaga ang sistema ng bawat tao sa pag hahanap ng kanilang treasure, so dapat talaga intindihin sila sa kanilang ugali.

Kung iyon iba, gusto may relasyon bago mag-decide kung ikaw na ba talaga, iyon iba naman gusto pagpasok talagang sure na sure na.

Si Alden obviously ganuon ang gusto. Kaya iyon girls, either iyon way nila Derek at Gerald, o iyon style ni Alden, pareho naman ok.

At palagay ko, lucky girls pa rin kayo, guwapito sila ha, suwerte pag ikaw winner.

So goodluck girls.

DEREK RAMSAY GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with