^
Kabayanihan ni Bonifacio, gugunitain sa GMA

Kabayanihan ni Bonifacio, gugunitain sa GMA

(Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Ngayong Lunes (Nobyembre 30), handog ng GMA Network ang biographical film na Supremo bilang paggunita sa ika-157 kaa­rawan ng kinikilalang Ama ng Himagsikang Filipino na si Andres Bonifacio.

Tampok sa Supremo ang buhay at naging mga sakripisyo ni Bonifacio na gagampanan ng aktor na si Alfred Vargas. Makakasama niya rito sina Mon Confiado, Hermie Concepcion, Nicco Manalo, Alex Vincent Medina, Nica Naval, at Manu Respall.

Sa paghahangad na makamit ang kalayaan ng bansa, itatatag at pamumunuan ni Bonifacio ang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Laban sa napaka­lakas na puwersa ng mga dayuhan, masusubukan ang kanilang tapang at pagmamahal sa bayan.

Huwag palalampasin ang Supremo ngayong Bonifacio Day sa Kapuso Mo­vie Festival, pagtapos ng Mars Pa More, sa GMA-7.

ANDRES BONIFACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with