^
Boy at Gretchen, may digital talk show na
Boy

Boy at Gretchen, may digital talk show na

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Join na rin sa digital show ang King of Talk na si Boy Abunda with Gretchen Ho,

Pinamagatang Sabado Bago Live na mapapanood sa The Puregold Channel at mag-uumpisa na ngayong Sabado, 4 P.M.

At hindi raw ito basta talk show lang dahil pag-uusapan dito mula sa newest highlights sa larangan ng brand marketing at newsworthy personalities, hanggang sa latest celebrity updates at hottest online trends.

Binuo rin umano ang Sabado Bago Live upang makapagbigay ng mahahalagang information at kuwento sa  pamilyang Pinoy na nasa kanilang mga tahanan dahil sa pandemiya.

Ilan sa mga segments ng show ay ang T.O.P - Trending Online Posts, kung saan sila may rundown ng mga trending social media buzz at entertainment news kada linggo;  The Full Blast,  kung saan ipapakita ang istorya ng mga normal na tao na naging viral sa web; at Launch Pad,  na isang segment na naka-focus sa mga brand partners ng Puregold kung saan ipapakilala nila ang kanilang mga first-in-market products at campaigns kasama pati na rin ang isang espesyal na segment kung saan uupo si Boy Abunda kasama ang mga top celebrities sa exclusive, in-depth conversation kasama ang kanyang signature rapid fire questions.

“Espesyal ang relationship ko sa Puregold. Pamilya ko sila and I feel that I am home,” sabi ni tito Boy. “This is the very first time that I will be doing something like this in this format, streaming on a social media platform. Hindi ko alam how the show will turn out at sobra akong excited.”

Senior star naubos ang mga naipundar sa baha

Nalungkot ako para sa isang friend kong senior / veteran actor na nilubog ng baha ang bahay at dalawang sasakyan sa Marikina.

May naipon naman siya pero almost a year na raw siyang walang work dahil prior to pandemic ay hindi na siya masyadong nakakaraket dahil na rin sa edad.

Eh almost nine months na ang pandemic, hanggang dumating ang magkasunod na bagyo at na grabe ang Marikina sa bagyong Ulysses.

Inabot daw ang first floor nila at lumubog ang dalawa niyang kotse.

May relatives naman siyang kasama sa paglilinis ng binahang bahay pero ayun nga, limited na ang budget niya.

Sana nga kahit paano ay mabigyan siya ng tulong dahil at this point in time wala nga siyang ini-expect na magbibigay ng work sa kanya dahil sa kanyang edad.

Umiiwas ngayon ang mga production sa pagkuha ng mga senior star.

BOY ABUNDA GRETCHEN HO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with