Ina Feleo at Italyanong boyfriend, sa museum Ikakasal
Ina Feleo

Ina Feleo at Italyanong boyfriend, sa museum Ikakasal

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Excited na ang Bilangin ang Bituin sa Langit star na si Ina Feleo sa kanyang nalalapit na intimate wedding ngayong Disyembre 1 na gaga­napin sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

Napagdesisyunan ni Ina at ng kanyang Italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti (o James Gerva) na sa naturang museum ikasal dahil malapit lang ito sa Metro Manila at pwede silang magkaroon ng al-fresco reception bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Pagkukuwento ng aktres, “Sa Pinto Museum namin gagawin kasi ito ‘yung pinaka-favorite namin na date place and we both love art. Sobrang ganda kasi talaga for us ‘yung Pinto. Feeling ko, aside from it being a museum with art pieces, the place itself is art.”

“And at the same time, open-air. Siyempre ngayon, mas maganda kung al fresco ‘di ba? And then maluwag ‘yung space so pwede talaga ‘yung social distancing, ganun,” dagdag pa niya.

Hindi naman masyadong nahirapan si Ina sa pag-aayos ng kanilang wedding dahil tumutulong dito ang kanyang inang si Direk Laurice Guillen.

Samantala, balik-telebisyon na ang Bilangin ang Bituin sa Langit simula ngayong Disyembre 7 sa GMA Afternoon Prime.

INA FELEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with