Geneva, mag-iisang taon nang âdi kasama ang BF
Geneva

Geneva, mag-iisang taon nang ‘di kasama ang BF

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Sa Pilipinas na muling mananatili si Geneva Cruz matapos manirahan sa Amerika ng maraming taon. Dapat ay babalik daw kaagad sa Pinas ang singer noon pagkatapos isilang ang pangalawang anak na babae. “Kasi dapat one year lang ako ro’n, manganganak lang sana ako. Mayroon na akong baby girl. Her name is London. She’s six years old. And I was just going to give birth there pero kinailangan ako ng aking unico hijo na si Heaven who is now 24 (years old). So I have to stay for five more years. Kasi he has depression during that time, and he talks about it openly so I can say it,” pahayag ni Geneva.

Anak ng singer si Heaven sa drummer ng bandang Introvoys noon na si Paco Arespacochaga. Ngayon ay maayos na raw muli ang turingan ng dating mag-asawa. “We had an annulment. Pinag-usapan namin so okay annul na natin. Then it took siguro mga three months lang na-annul na ‘yong case. Kasi wala naman nag-contest. I feel like even if hindi na kayo okay, that person became a big part of your life,” paglalahad niya.

Kahit malayo ay masaya naman daw ngayon si Geneva sa relasyon nila ng bagong kasintahan na si Nikolaus Booth na isang Filipino-American. “I met Niko more than a year ago. He is one of my producers in the East Coast in Virginia. Hindi naman ako looking into meeting somebody kasi nga very careful din ako kasi maliit pa si London eh. It happened, I’m happy and I’m inspired. Long distance kami when I was in California and East Coast siya. Ngayon long distance pa rin kami. I haven’t seen him since January,” pagbabahagi ng singer. Anak ni Geneva si London sa dating nakarelasyon na si Lee Paulsen.

Lyca hindi muna bibirit sa mga bagong kanta

Nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency si Lyca Gairanod. Ayon sa dalagita ay si Sarah Geronimo ang humikayat sa kanya upang lumipat sa natu­rang talent agency.

Matatandaang ang Popstar Royalty ang naging coach ng bata pa lamang noon na singer sa The Voice Kids. “Nag-uusap pa rin po kami ni coach ngayon eh. Nagbabalitaan po kami sa isa’t isa, kung kumusta na po kami. Sinabi po sa akin ni ate Sarah na kung gusto ko raw po mag-Viva, magsabi lang daw po ako sa kanya. Siyempre po malaking opportunity na po ‘yon sa akin na sinasabi niya po na gusto rin po akong maging part ng mga concerts niya. So parang mas naengganyo po ako talaga. Gusto kong mas ma-enhance ang career ko ngayon nandito na ako sa Viva,” kuwento ni Lyca.

Marami talagang napahanga sa pagiging biritera ng singer noong 2014 sa The Voice Kids. Magkakaroon na raw ng mga pagbabago sa uri ng mga kantang gagawin ni Lyca ngayon. “Kasi po ‘yung Lyca dati is parang more on Aegis, more on birit-birit. Ngayon puro soul. Kasi alam naman po natin na talagang mas maganda po talaga ‘yung nanggagaling talaga sa puso. Gusto ko po na may maiprisinta ako ng bagong tunog,” paliwanag ng dalagita. (Reports from JCC)

GENEVA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with