Mga miyembro ng Slapshock nagdemandahan, bokalista mas piniling tapusin ang buhay

Mga miyembro ng Slapshock nagdemandahan, bokalista mas piniling tapusin ang buhay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Maraming celebrities ang nagparating ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ng kilalang lead vocalist ng bandang Slapshock na si Jamir Garcia.

Ilan sa nag-post ng kanilang tribute sa kilalang rakista ay sina Ogie Alcasid, Kean Cipriano, Glaiza de Castro, KC Montero, Chito Miranda, Jake Cuenca, Paulo Avelino, at marami pa.

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Kean nung nagsisimula pa lang  siya sa pagkanta, si Jamir daw ang isa sa nagbigay ng pagpapahalaga at itinuring na kasama nila.

Napaka-touching din ng mensahe ni Chito na sinasabi niyang hindi raw umubra nung inaangasan daw niya ito at niyayabangan dahil napakabait pa rin daw, soft spoken ni Jamir sa kanya at talagang malaki ang paghanga niya sa kanyang banda.

Ilang beses ko ring nakadaupang-palad si Jamir dahil sa ini-endorse ng banda nila ang Dickies at Macbeth apparel na tinutulungan ko sa publicity. Bumilib ako sa katalinuhan niya at kabaitan kapag nakakatsikahan ko siya.

Ang sakit nga sa dibdib na isa na naman siya sa tinanggal ko sa aking phone directory. Nakakalungkot na ngayong taon lang ay marami-marami rin akong na-delete, at na-unfollow sa Facebook dahil sa pumanaw na sila.

Hanggang ngayon nga ay parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na wala na pala siya. Parang hindi ko pa rin ma-gets kung bakit tinapos niya ang kanyang buhay, gayung nakaka-impress ang katalinuhan niya at malalim siyang mag-isip.

Sa aking pagtatanung-tanong, matindi pala ang pinagdaanan ng banda nilang Slapshock hanggang sa nagkademandahan. Mahirap lang magbanggit ng pangalan, pero may ilang kasamahan niya sa banda na nakahidwaan at lumalim na ang kanilang alitan.

Ang pinakamabigat pa nito, may isa raw siyang malapit na kamag-anak na tila bumaligtad at hindi na ito kumampi sa kanya. Iyun daw ang isa sa dinamdam niya nang husto at na-hospitalize pa nga raw ito.

Kaya hindi ko lang alam kung ano ang ibig sabihin ng post ng asawa niyang si Jaya Garcia, na ang nasa caption nito; “Mahal na mahal kita (heart emoji) hanggang sa muli asawa ko…ipaglalaban kita habang nabubuhay ako. Pahinga ka na.”

Malalim ang isyu at mahirap nang dalirutin pa dahil hindi pa naman namin nahingan ng opinyon ang ilang taong involved.

Mas mabuting ipagdasal na lang ang maluwalha­ting paglalakbay ni Jamir sa kabilang buhay. Hangad namin ang katahimikan ng kanyang kaluluwa.

Aktor na kontrobersyal ang lovelife, may ibang babae na

Dalawang kaibigan na namin ang nagkuwentong nakita nila itong si male celebrity na may kasamang magandang girl.

Yung isang nagkuwento ay nagkamalisya raw siya dahil sa closeness daw ng dalawa. Eh kamakailan lang nagkaroon ng problema itong si male celebrity sa kanyang lovelife. Kaya nagtataka yung aming kaibigang nakakita sa kanila na nakahanap na raw kaagad ito ng kapalit?

Iyun ay duda lang daw. Hindi naman daw siya sure kung may namamagitan ba talaga rito sa male celebrity at sa magandang babaeng di niya kilala. Non-showbiz daw kasi ito.

Abangan na lang natin kung ano talaga ang totoong kuwento rito, lalo na sa dati niyang karelasyon.

Myrtle maraming outfit sa concert

Masasabing ang suwerte nga ni Myrtle Sarrosa na sa kanya ipinagkatiwala ni Atty. Ferdie Topacio ang first production niya sa concert.

Excited ang celebrity lawyer sa Myrtle - Still Love Me virtual concert na ito na prinodyus niya dahil talagang napabilib siya ni Myrtle.

Nai-tape na nila ang concert at excited si Myrtle dahil maganda ang kinalabasan. Bongga raw ang mga outfits na sinuot niya rito.

Sa mga gustong mapanood ang Still Love Me concert ni Myrtle, puwedeng bumili ng ticket sa www.ticket2me.net sa halagang 660 pesos.

SLAPSHOCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with