Mikee at Kate, tuloy ang adventure
MANILA, Philippines — Tutukan ang pagpapatuloy ng adventure ng little witch na si Lily (Kate Valdez) at ng ampon na si Jasmine (Mikee Quintos) sa Witch is Which ngayong Linggo sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Sa pagpapatuloy ng magical story ni Lola Goreng (Gloria Romero), masasaksihan na natin kung sino kina Jasmine at Lily ang makakukuha ng powerful elemental pieces na magiging susi para makapunta sa witch world.
Huwag bibitaw sa all-new episode ng Witch is Which sa weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo na, 7:05PM, sa GMA-7!
- Latest