^

PSN Showbiz

Resulta ng swabbing sa ibang production, mali-mali

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ayoko naman mag-nega o mag-malisya pero nabalitaan mo ba Salve na may isang testing lab para sa swab test ng mga taga-production na meron diumanong mali-maling report?

Iyon bang sasabihing positive ka at pag nag-second opinion ka o nagpa-test o swab sa iba negative naman lumalabas? Medyo nakakatakot lang dahil imagine mo iyong kaba at nerbiyos mo nang sabihan kang positive, tapos hindi naman pala.

Dapat prestigious at mahusay na lab ang kunin para sa ganitong testing dahil nakasalalay diyan ang hindi lang trabaho ng artista at production staff kundi pati na iyong emotional  impact  nito sa tao na nagpa-test.

Nakakatakot na baka meron pang mamatay sa nerbiyos dahil dito.

Mandatory pa naman sa lahat ang entrance at exit swabbing test kaya dapat talaga maingat ang mga gumagawa nito.

Hoping na sana ma-investigate mabuti ito ng network para naman mas maging maayos ang lahat.

Dapat credible ang resulta, at tunay na mahusay ang laboratoryo na gumagawa ng testing.

Dahil siguro sa dami ng nagpapa-swab kaya hayun, may mga mali-mali ng resulta na nailalabas.

Mga aso, loyal sa mga amo

Natuwa naman ako sa balita na sinagip ang mga dog na iniwan ng mga owners sa Bulacan, Salve. Napaka-cruel naman talaga na basta mo iiwan ang mga alaga mong pets pag-alis mo sa isang lugar. Pero sure ako na nalungkot din ang mga may-ari ng  douggies na iniwan dahil mahal din nila ang mga ito, wala na lang silang magawa.

Si Kathryn Bernardo at si Ramon Ang ng SMC ang nanguna sa panawagan at pag-rescue ng mga halos 70 dogs na pinanawagan din ni Carla Abellana.

Totoong durog-puso na makita mo ang maraming dogs na nagkalat at hinahanap siguro ang mga dating nag-alaga sa kanila. Mabuti nga at marami pa rin buhay at na-rescue na nabasa kong ginagamot at inaalagaan muna bago ipaampon.

Sana iyon gusto ng dogs, mag-ampon mula sa mga na-rescue. Mamahalin n’yo ang mga ito, unconditional magmahal ang mga dog, very loyal.

Subukan n’yo, at hindi kayo magsisisi.

vuukle comment

SWAB TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with