Mga asong naiwan sa Bulakan sinagip, Kathryn natuwa

Mga asong naiwan sa Bulakan sinagip, Kathryn natuwa

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Bilang isang fur mom ng 11 na aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project. “I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” banggit ng Kapamilya actress na maliban sa pagiging endorser ng Nutrichunks dog food at Magnolia Ice Cream ay endorser din San Mig Coffee Crema White.

“I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, San Miguel,” dagdag pa niya.

Matapos ngang malaman ang kalagayan ng 70 aso na naiwan sa Barangay Taliptip ay nagpadala agad ang SMC ng Nutrichunks dog food para mapakain sila.

Sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF), may 53 nang aso ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa  Capas, Tarlac.

May natitira pa umanong 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.

Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin bago sila ihanap ng mga mag-aampon.

Nauna nang pinasalamatan ni Kathryn ang SMC, na pinamumunuan ni president at chief operating officer Ramon S. Ang sa paggawa ng paraan para magkaroon ng hanapbuhay at oportunidad sa pagnenegosyo  sa Central Luzon sa pamamagitan ng Manila International Airport at Bulacan Airport City Freeport Zone.

Ayon kay Kathryn ay mahalaga ang hanapbuhay para sa maraming Pilipino dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Maliban sa relokasyon ng mga taga-Taliptip matibay at maayos na bahay ay nagpa-training ang SMC para sa mga gustong magtrabaho sa airport sa ilalim ng livelihood and skills development program sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).

Raymart may ‘offer’ na kay Claudine

Nag-reach out na pala si Raymart Santiago sa kampo ng ex wife nitong si Claudine Barretto kaugnay sa lumabas na issue na kinasuhan siya ng economic sabotage ng dating misis dahil sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak na sina Sabina and Santino.

Pero ayaw pang magbigay ng ibang details ng legal counsel ni Claudine si Atty. Ferdie Topacio sa Zoom conference nila kahapon ni Myrtle Sarrosa para sa Myrtle : Still Love Me this November 28.

Sa December 10 pa raw malalaman ang lahat ng details kung anong ‘offer’ ng camp ng actor.

Eh paano kung sabihin ni Raymart na wala naman siyang P100,000 na puwedeng ibigay sa mga dating mag-iina niya, tanong kay Atty. Topacio na producer nga ng concert ni Myrtle? “Eh kabibili niya lang ng BMW na motor,” bahagi ng sagot ng abogado.

Marami rin daw may alam na may paragliding business ang grupo ng aktor.

Samantala, kahit digital din ang concert ni Myrtle, inulit nga ng may-ari ng Borracho Films na milyon din ang ginastos niya rito.

So bakit si Myrtle? Naalala ni Atty. Topacio na six years ago ay nakilala niya si Myrtle sa rally sa Luneta. Estudyante pa raw ito noon. Nagkukuha ito ng photo sa rally at dahil daw nagandahan ang abogado kay Myrtle kinausap niya ito at doon nalaman na UP student.

Hanggang inimbitahan niya ito sa kanyang birthday para mag-perform - kumanta - with talent fee na 80K dahil nang i-research ng staff niya, PBB winner pala ito at H’M cover. Pero hindi raw ito tinanggap ni Myrtle dahil andun daw siya sa party as a friend.

At doon nga nag-umpisa ang lahat kaya malaki ang respeto at paghanga niya sa Kapuso actress, singer and gamer.

Anyway, sinabi ni Myrtle na handa na siya sa kanyang concert na karamihan sa kakantahin niya ay mga sinulat niya. “One of the songs na sinulat ko dati is called Still Love Me, which is a song about loving someone despite all the changes that happens through time. We chose it as the concert title because there are so many people who still show me love and support. Despite all the ups and downs, I really want to show people that we still love and care,” explained Myrtle.

At sa kabila nga ng pinagdaraanan ng mundo ngayong taon at ang pagkakaroon ng new normal dahil sa pandemic, Myrtle, together with her special guests, hopes to share some musical joy during these trying times.

“Life is a journey and my experiences in showbiz has been filled with many lessons, obstacles, heartaches, joy, and many special memories. In the past eight years, I learned so much along the way and I realized that everything happens for a reason. Especially during this pandemic, grateful ako na as an artist, every day I have the chance to make those who follow me smile and inspire those around me.”

Don’t miss Myrtle : Still Love Me on November 28, 8pm. Tickets are available online via Ticket2Me.net.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with