PBB Connect dinagsa ng 177K, 14 aspiring housemates napili na
PBB

PBB Connect dinagsa ng 177K, 14 aspiring housemates napili na

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Dama na ang nalalapit na pagbubukas ng bahay ni Kuya dahil inimbitahan na ni Big Brother ang 14 na aspiring housemates mula sa libu-libong nag-audition sa Kumu na bumiyahe patu-ngong Manila para sa next round ng auditions.

Nagsara ang online auditions ng PBB Connect noong Nobyembre 11 at kahit hindi pa nagsisimula ang bagong season, naging makasaysayan na ito dahil umabot sa 177,524 na aspiring housemates ang ‘kumunect,’ nagpakatotoo, at nagpamalas ng kanilang talento para maging bahagi ng ika-siyam na season ng “PBB.”

Anim (6) sa 14 aspiring housemates na parating na ng Manila ang mula sa Luzon, isa (1) ang mula sa Visayas, apat (4) ang galing Mindanao, dalawa (2) naman ay taga-Metro Manila, at isa (1) ang mula sa ibang bansa.

Kinse dapat ang kukumpleto sa housemates ni Kuya ngayong season, ngunit may hindi nagpatuloy. Kinakailangan nilang pumasa sa medical, psychological, at COVID exams upang maging ganap na housemate.

Ito na ang ang pinakamaraming audition entrees na natanggap ng programa sa loob ng 15 taon, pero hindi naman dapat mawalan ng pag-asa ang iba pang nangangarap makapasok sa PBB  dahil tuloy ang paghahanap ni Kuya ng housemates na kukumpleto sa PBB Connect. Pipili si Kuya mula sa mga nag-audition na ginagawa ang kanyang iba-ibang hamon sa pamamagitan ng pagla-livestream sa Kumu.

Ito ang unang beses na buong proseso ng audition sa PBB ay ginanap online at eksklusibo sa Kumu. Dito rin sa livestreaming app na ito kumu-konek ang programa sa fans at aspiring housemates kasama ang mga host ngayong season na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Richard Juan, Kim Chiu at Melai Cantiveros.

Ilan kaya ang magiging official housemates ni Kuya para sa PBB Connect?

PBB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with