Vhong at misis, takot magkaanak!
Vhong

Vhong at misis, takot magkaanak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Nanghinayang si Vhong Navarro na hindi siya pumwede noong nakaraang mediacon ng Metro Manila Film Festival, na kung saan ay in-announce na kasali ang pelikula niyang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na dinirek ni Topel Lee.

Sobrang tuwa niya dahil nakasali na rin siya uli sa Metro Manila Film Festival, dahil ang huling filmfest pa raw niya ay ang Shake, Rattle and Roll na dinirek ni Chito Roño.

Pero iba ito ngayon dahil online, kaya hindi raw niya alam kung gaano rin ito kasaya dahil hindi na sila iikot sa parada at hindi mapapanood sa mga sinehan. “Ngayon nakapasok ako, akala ko makasakay uli ako sa float. Kasi ito na ang nakaugalian natin eh di ba? Pero iba ngayon. First time na mangyayari na online ang Metro Manila Film Festival eh.

“Kakaiba, kumbaga nasa history na siya na kauna-unahang nag-online na nakapasok sa MMFF na dapat ding ma-experience natin at ma-try natin ano ang kakaiba,” pahayag ni Vhong nang nakatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Malakas naman ang pananalig niya na tatangkilikin ng mga netizen ang bagong version ng pelikula niyang Mang Kepweng.

Kinumusta rin namin siya sa kanyang buhay may asawa. Kagaya ng ibang pamilya, nagkaroon daw talaga sila ng quality bonding time ngayong pandemic dahil noon ay bihira naman daw talaga silang nagkikita dahil sa trabaho nila at nag-aaral naman ang mga bata. “Itong pandemic, isa sa mga nagustuhan ko lalo ay maging close kami ng mga anak ko, plus yung wife ko.

“Nung time na wala pang pandemic, siyempre pumasok yung mga bata, nag-aaral sila. Ako may trabaho, raket dito raket dun. ‘Yung wife ko, sulat dito, sulat dun. Talagang ang pagkikita namin yung patulog na or every Sunday na lang na nakakasama ko ang mga anak ko pag lunch o dinner. Magsisimba, manood ng sine. Ganun ang bonding namin. Ngayon nandito sila sa bahay, hindi lumalabas,” saad ni Vhong.

Kagaya na rin ng ibang magulang, natatakot na rin si Vhong at ang asawa niyang si Tanya na magkaroon pa ng baby dahil sa nangyayari ngayon. “Tingnan n’yo ang mga nangyayari, parang ang hirap.  Ang hirap kasi ng…ewan ko. Meron kaming pag-uusap sa mga nangyayari ngayon. Ako naman, may edad na rin,” pakli ni Vhong.

Hindi kasi maiwasan sa totoo lang na mangamba ka para sa mga nasa huling henerasyon kung paano nila maaalagaan ang kanilang sarili. “Ganun na ang aming iniisip. Sa panahon ngayon na mas mabuting mag-enjoy kami habang malakas pa kami.  Kasi ako talaga…sa kanya (Tanya) na rin mismo nanggagaling na paano pag may edad tayo? Paano siya? Ganun na yun ang mga iniisip namin eh. Mahilig siya sa bata, ako mahilig sa bata. So, paano?” seryosong pahayag ni Vhong.

Masaya naman daw sila ngayon sa dalawang anak ni Vhong na malalaki na at sobrang close naman daw ang mga anak niya kay Tanya.

Johnvic gusto uling maglaro

Isa sa natuwa sa partnership ng GMA 7 at ng NCAA o National Collegiate Athletic Association ay ang bagong Kapuso artist na si Johnvic de Guzman.

Sa Kapuso network at GMA News TV mapapanood ang iba’t ibang events ng NCAA, at kung puwede pa sanang maglaro si Johnvic, gustung-gusto niya uling mag-volleyball.

Pero 5 years lang kasi ang playing years sa NCAA at graduate na siya sa St. Benilde kaya tapos na siya sa paglalaro ng Volleyball. Si Johnvic ang dating team captain ng Volleyball team ng St. Benilde at lagi silang nananalo. Nakapaglaro na rin siya sa SEA Games, pero ngayon ay sa showbiz na siya nag-focus dahil graduate na siya at hindi na siya naglalaro. Kasama siya sa bagong drama series ng GMA News and Public Affairs sa GMA 7 na Owe My Love.

VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with