Assunta, emosyonal sa anak
Assunta

Assunta, emosyonal sa anak

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Naiyak ang first-time mom na si Assunta de Rossi kahapon sa Zoom interview sa kanya ng GMA 7 showbiz reporter na si Lhar Santiago para sa isang segment ng Unang Hirit.

Hiningan kasi ni Lhar ng message si Assunta para kay Baby Fiore, baby nila ng former politician na si Jules Ledesma.

Hindi naiwasan ni Assunta ang maging emotional dahil miracle baby talaga nilang maituturing si Baby Fiore. Masyado rin siyang nata-touch sa mga taong  sinasabihan siya ng magagandang messages.

“May mga nagme-message kasi sa akin. May isa pa na nagsabing naiyak siya sa katuwaan para sa akin dahil natupad na nga ‘yung pangarap ko na maging isang ina,” sabi ni Assunta. Noong Monday ay isang buwan na si Baby Fiore at nagre-react na raw ang baby kapag kinakausap nila.

Beauty, lagare agad sa TV5

Maganda ang feedback sa akting ni Beauty Gonzalez sa Paano Ang Pasko?, ang Christmas-serye ng TV5 na line-produced ng The IdeaFirst Company nina Perci Intalan at Jun Lana na nagsimulang mag-air noong Monday, 9:00 p.m.

Pare-parehong anak ni Maricel Laxa sa Paano Ang Pasko? sina Beauty, Julia Clarete at Devon Seron, pero parang mas bongga ang akting ng una.

Naku, Ateng Salve, hooked nga ako sa Christmas-serye na ‘yon. Ang bongga lang ni Beauty dahil dalawa nga kaagad ang shows niya sa Kapatid network, bida rin siya sa I Got You na produced naman ng Brightlight Productions ng businessman na si Albee Benitez.

Bea, loyal pa rin sa Kapamilya

So, kinumpirma na nga ng ABS-CBN ang tungkol sa pag-alis ni Bea Alonzo sa Star Magic bilang management company ng aktres.

Actually, more than two months na rin na may nagtsika sa desisyong ‘yon ni Bea. Ang tsika pa nga, kinausap na rin that time ng ABS-CBN lady big boss si Bea tungkol doon.

Malinaw naman daw na sa Star Magic lang umalis si Bea at hindi mismong sa Kapamilya network.

Well… ‘Yun na!

ASSUNTA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with