Sunshine, umaming noon pa alam na apat ang anak ni Cesar sa dalawang babae

Sunshine, umaming noon pa alam na apat ang anak ni Cesar sa dalawang babae

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

“Noong umalis ako sa bahay namin, kasama ko ang mga anak ko, at nagdesisyon akong hiwalayan si Cesar, that was the end. Masakit pero para sa akin katapusan na iyon eh. Isang sakit na lang wala na. Maraming beses na nalaman ko iyong ibang ginagawa niya kahit na magkasama pa kami, hindi ko pinapansin iyon dahil sa mga anak ko. Kung ako lang titiisin ko na lang eh, kaso naapektuhan na ang mga anak ko.

“Yong mga anak ko na ang nakakita mismo eh. Sila ang nagsabi sa akin, so ang feeling ko, alam na rin naman nila, sige na,” sabi ni Sunshine Cruz.

Marami ang nagtatanong kay Sunshine kung ano ang masasabi niya ngayong naglalabasan na ang mga kuwento tungkol sa ibang mga anak ni Cesar. Inilabas na ng dating Miss Earth na si Sandra Seifert ang picture ng kanyang anak na si Coco, kasama si Cesar. Noon ay ayaw pang aminin ni Sandra na si Cesar ang tatay ng kanyang anak, bagama’t marami ang nakakaalam noon lalo na matapos siyang manganak sa US.

Inilalabas na rin ni Kath Angeles ang pictures ng kanilang mga anak ni Cesar. Tatlo na ang kanilang anak. Pero si Sunshine, walang reaksiyon. “Ano ang ire-react ko eh hiwalay na kami, annulled na ang kasal namin. At this time I don’t even think maaapektuhan pa ng mga ganyang kuwento ang mga anak ko. Matagal na nilang alam iyan eh. Of course, ang tanggap talaga nila iyong mga anak niya sa una niyang asawa, and then Diego (Loyzaga) na kinikilala nilang kuya nila. Diego is very close to my daughters and even me. The others, hindi pa naman nakakasama ng mga anak ko.

“Sa akin ang importante iyong concerned lang ako eh. When Cesar started courting me, and I married him, wala naman siyang sabit. His first wife died years before we got married. Kung nagkaroon man siya ng relasyon before our annulment, hindi na siguro ako ang may problema noon. My point now is wala na kaming relasyon and there is no reason para mag-react pa ako sa mga bagay na iyan. We’re totally detached.

“Ako man aminado na ako ngayon na may sarili na akong buhay. Wala pa akong anak, kasi hindi naman puwede unless I get married again. I admit may boyfriend ako. Alam na naman ng lahat iyong tungkol kay Macky (Mathay), and I’m happy with my life now.

“Hindi ko masasabing hindi darating ang panahon na baka magkaroon na rin ako ng ibang mga anak, and I don’t want anyone else to react. Kaya bakit ako magre-react ngayon, eh ayoko ring may ganoon sa akin. I’m happy that finally everything is out. Kawawa naman iyong mga bata kung habang panahon silang itatago, and what for.

*Nag-anak ka eh, tapos itatago mo? Parents should be proud of their children, at hindi kasalanan ng mga bata o pagkakamaling masasabi ng mga bata kung ipinanganak sila. Ang paniwala ko, whatever the reason is, children are born out of love. Ang mga bata walang pagkakamali iyan sa pagiging tao nila. Hindi sila dapat itinatago talaga dahil magkakaroon ng epekto iyon sa kanila. Children should be loved.

“Kaya ako iyon ang ginagawa ko. Iyon ang sinisikap ko. Hindi ko masa-sabing I can cover up kung ano man ang pagkukulang dahil single parent ako, but the fact na alam kong masaya naman ang buhay ng mga anak ko ngayon, and on my own I can provide for them at hindi ko kailangang kunsumihin ang sarili ko na ihanap pa sila ng support sa iba, happy na ako.

“Basta pala happy ka na sa buhay mo, wala ka nang pakialam kahit na ano pa ang gawin ng ibang tao sa buhay nila. I learned so much sa naging buhay ko, and now I am happy. I deserve to be happy, and I’m doing everything to be happy, and make my children happy.

“Gusto ko ring sabihin na I’m happy with my daughters. Matatalino sila. May honors lahat sa eskuwela. Si Angelina, she has her own career now as a singer and model, and I’m proud of her. Dapat ganoon naman talaga hindi ba,” sabi ni Sunshine.

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with