^
Matteo, emosyonal sa pagtapak uli sa ABS-CBN
Matteo

Matteo, emosyonal sa pagtapak uli sa ABS-CBN

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay muling nakabisita si Matteo Guidicelli sa bakuran ng ABS-CBN para sa taping ng programa ni Toni Gonzaga na I Feel You. Naging emosyonal umano ang aktor dahil nabigyang muli ng pagkakataon na makatuntong sa Kapamilya network. “I’m very, very thankful. Talagang naging emotional nga ako noong pumasok ako sa basement at umakyat ng second floor at pumunta sa dressing room. Sabi ko, ‘Akala ko talaga, hindi na ako makakapasok dito eh,” kuwento ni Matteo.

Matatandaang maraming taon ding nasa pa-ngangalaga ng Star Magic ang aktor bago lumipat sa Viva Artists Agency noong isang taon. Nagsara naman ang ABS-CBN nang hindi mabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso ilang buwan na ang nakalilipas.

Ang teleseryeng Bagani ang huling proyekto na nagawa ng aktor sa Kapamilya network noong 2018. Para kay Matteo ay kakaibang karanasan na muling makita at makausap nang personal ang mga dating nakatrabaho sa istasyon. “I’m very, very thankful to Toni Gonzaga for inviting me to co-host with her. It’s very nice. It’s nice because nakita ko ‘yung ibang mga taga-production, na ang tagal naming hindi nagkita. Kaso lang kaunti na sila,” paglalahad ng aktor.

Tony at Heaven, inaalagaan ang isa’t isa

Naging magkaibigan sina Tony Labrusca at Heaven Peralejo dahil nagkatrabaho sa teleser-
yeng Bagong Umaga na napapanood sa Kapa-milya Channel. Napahanga umano ang aktor kay Heaven dahil sa pagiging maalagain ng dalaga sa kanya. “Na-appreciate ko lang kay Heaven is sobrang mabigay din siyang aktres. And inaalagaan niya ako sa mga eksena namin. Magkakampi kami kasi parehas kami na medyo bago pa rin sa industriya. So inaalagaan namin ang isa’t isa. She’s a team player. She makes the effort to know each and everyone of us. So ‘yon ang na-appreciate ko sa kanya. Kasi lock-in na kaming lahat (sa taping). Ang hirap nang ginagawa namin.

“The only place we can take strength is from each other. So ‘yon ang naa-appreciate ko kay Heaven. Gusto niyang okay kaming lahat palagi,” pagdedetalye ni Tony.

Parehong walang kasintahan ngayon sina Heaven at Tony kaya marami ang nagtatanong kung posible bang magkaroon ng espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa. “Pwede bang friends muna? Kasi, I mean we are just getting to know each other pa. Tapos sobrang solid pa ng bonding namin kaya parang mas okay na maging close muna kaming lahat,” giit ng binata.

Bukod kina Tony at Heaven ay bida rin sa natu-rang serye sina Yves Flores, Michelle Vito, Kiko Estrada at Barbie Imperial.

-Reports from JCC-

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with