^

PSN Showbiz

Maarteng aktres pinatikim ng leksyon ng kaeksena

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang matinding leksiyon ang natutuhan ng isang magandang female personality mula sa isang babaeng personalidad na nakasama niya nang matagal sa isang serye.

Laganap ang mga hindi kagandahang istorya tungkol sa sobrang kaartehan ng magandang female personality. Nakararating siyempre ‘yun sa babaeng personalidad na katrabaho niya sa serye.

Kuwento ng aming source, “Matindi naman kasi talaga ang kaartehan ni ____(pangalan ng female personality), maraming production staff ang hindi rin nagkakagusto sa kanya.

“Super ang kaartehan niya, mahirap intindihin, nagdadala siya nang sangdamakmak na libro sa set na binabasa niya kapag break. Pero kapag nasarapan siya sa takbo ng istorya ng binabasa niyang book, e, hindi na siya maawat!

“On the set na ang mga kaeksena niya, pero nasa dressing room pa rin siya, nakadukdok ang ulo sa binabasa niyang nobela! Cause of delay ang hitad, umaandar na dapat ang taping, pero dahil sa kaartehan niya, e, nagtatagal tuloy sila!” unang kuwento ng aming impormante.

Ang lahat ng reklamo tungkol sa magandang aktres ay nakararating sa kasamahan niyang kontrabida ang ginagampanang papel. Tumataas lang ang kilay nito sa pakikinig.

Patuloy ng aming source, “Natural, pundido na ang girl, kasali kasi siya sa inaabala ng maarteng aktres, kaya humahanap lang siya ng tiyempo! At sa isang eksena, e, dumating na ang tamang pagkakataong pinakahihintay ng kontrabidang aktres!

“Fight scene ang kukunan. Magsasampalan sila, magsasabunutan, magpapang-abot sila sa eksena! Rehearsal take na. pinag-aralan nila ang mga eksena, para hindi sila magkasakitan.

“E, gustong bigyan ng leksiyon ng kontrabidang girl ang kaeksena niya, binaligtad ng girl ang routine na inensayo nila!

“Instead na sa kanan, e, sa kaliwa niya sinampal ang maarteng girl, sapul na sapul siya, parang lumipad ang ulo niya sa lakas ng sampal ng kaeksena niya!

“Mula nu’n, e, nabawasan na ang kaartehan niya, hindi na niya pinahihirapan ang production, marunong na siyang makisama. Nagkaroon na siya ng disiplina.

“At hindi na siya nagbabaon ng mga libro sa set, hindi na siya nagbibigay ng problema, sampal lang palang malakas ng kontrabida ang kailangang gumising sa kaartehan  niya!

“Akala niya kasi, e, palagi siyang nabubuhay sa wonderland! Nabawasan na ang kaartehan niya!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Nora, ibang klase ang magnet

Nu’ng gawin ng Superstar ang walang kamatayang pelikulang Himala ay si Direk Joel Lamangan ang nadestino bilang tagapamahala ng mga extra.

Libu-libong extra ang kinailangan ng produksiyon sa eksenang nagsasalita sa bundok si Nora Aunor bilang Elsa. Si Direk Joel Lamangan ang namahala sa crowd supervision.

Kuwento niya sa amin sa isang panayam sa aming programa sa radyo (Cristy Ferminute, 92.3 News FM), “Palagi ko siyang tinititigan. Pinagmamasdan ko siya palagi. Napakasimple lang niya, parang kapitbahay mo lang siya, ganu’n.

“Pero nu’ng makita ko na siyang umarte, nu’ng kunan na ang eksena niyang sumisigaw ng ‘Walang himala!’ Isa lang ang naisip ko, napakagaling naman ng kapitbahay kong ito!

“Iba. Ibang-iba si Nora Aunor. Kapag humarap na siya sa mga camera, e, hindi mo na siya bibitiwan ng tingin habang umaarte siya! May kung anong magneto si Nora Aunor!

“Pagkatapos ng eksenang ‘yun na nakakapanindig ng balahibo na kinunan ni Direk Ishmael Bernal nang halos padilim na, parang wala lang.

“Naupo lang uli siya sa isang tabi, napakasimple niya, siya na naman ang kapitbahay ko,” pag-alala ng magaling na direktor.

Pinatunayan ng isang kaibigan namin ang sinabi ni Direk Joel na parang mayhawak na magneto si Nora Aunor. Walang mga camera sa kanyang kuwento.

Sabi ng aming kaibigan, “Inimbita ng company namin si Nora Aunor. Christmas party namin ‘yun. Magulo ang paligid, masasaya ang lahat ng nandu’n, dahil masaya ang okasyon.

“Biglang pumasok sa venue si Nora Aunor! Alam mo bang parang sandaling tumigil ang ikot ng mundo? Parang nanonood ng tennis match ang lahat ng nandu’n!

“Nakasunod ang tingin ng lahat kay Nora, kung saan siya nandu’n, nakapako ang tingin naming lahat sa kanya! Grabe ang magic na meron ang Superstar!

“Para kang hinihingop ni Nora, meron siyang magic na kanyang-kanya lang talaga!” pag-alala ng aming kaibigan.

Birong-totoo naman ng isang kaibigan naming napakatagal na panahong nakasama ni Nora Aunor, “Sinabi n’yo pa! Iba ang mata niya, kahit siya na ang may kasalanan, e, ikaw pa ang magso-sorry sa kanya!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

AKTRES

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with