Maine aktibo sa Babaeng Biyahero
Maine
STAR/ File

Maine aktibo sa Babaeng Biyahero

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Aktibo si Maine Mendoza sa ginanap na Together Tayo, Babaeng BiyaHero: Help End Violence against Women webminar na proyekto ng Safe and Fair Philippines: Babaeng BiyaHero Campaign.

Prioridad ng grupo na tulungan ang mga sister na maraming agam-agam at takot na dulot ang pandemic tulad ng issue ng health, unemployment, at maging Violence Against Women o VAW.

Pinag-usapan din sa International Day for the Elimination of VAW, Together Tayo, #BabaengBiyahero! with Maine ang concerns ng #BabaengBiyahero at para mag-create rin ng awareness para sa kanilang mga karapatan at services na available para makatulong na maging ligtas ang kababaihan saan man sila magpunta.

Samantala, napapanood na sa Netflix ang pelikula nila ni Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings. Pipi ang role ni Carlo sa nasabing pelikula na pinalabas noong 2018.

Anyway, isa si Maine sa naging busy sa pagtulong sa simula pa lang ng pandemic last March. Maalalang namigay ito ng financial assistance sa mga displaced worker nang magkaroon ng lockdown.

Eddie Garcia law, magiging batas na

Finally, aprub na ng House of Representatives sa third ang final reading  House Bill 7762  - Eddie Garcia Act na madalas na binabanggit ni FDCP chairperson Liza Diño na makakatulong para magkaroon ng standards sa working conditions ng film and audiovisual workers. Aakyat na ito sa senado at diretso sa Malacañang.

Though may ilang nagsasabi na sa kasalukuyang situation ng mga taping and shooting na lock-in na, hindi na raw diumano kailangan ng batas para bantayan ang working condition sa pelikula at television.

Though may mga naririnig akong chika na may ilan ding complains na nakakalimutan na ng iba ang health protocols at hindi na rin nasusunod ang sinasabing working hours.

Pero so far, parang konti lang ‘yun at majority sa mga naka-lock in ay nagpapasalamat dahil pakiramdam nila ay mas safe sila at hindi ngaragan dahil nga may number of working hours at ang importante ay may trabaho sila.

Ngayon din ay kasama na ang swabbing and disinfection sa mga shooting.

Kaya  nga raw malaki ang additional na gastos ng mga producer.

Naaalala kong binanggit ni Atty. Ferdie Topacio na producer ng pelikulang Mamasapano na P100,000 ang additional gastos nila every taping day para maging safe sa shooting.

Every two hours daw may disinfection at kailangang mag-freshen up ang mga artist and staff para makatiyak na walang virus.

MAINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with