Global artists, bumirit ng OPM

Global artists, bumirit ng OPM

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Napaiyak ang US-based musical director na si Troy Laureta sa media conference ng kanyang OPM album na bida ang classic OPM na inawit ng ilang global artists.

Sumikat ang Fil-Am musical director sa mga proyektong kasama sina Ariana Grande, David Foster at Jake Zyrus.

Ayon kay Troy, matagal na niyang pangarap na maibida ang Pinoy love songs sa buong mundo.

Co-producer ang ABS-CBN Music International sa nasabing album na may titulong Kaibigan: A Troy Laureta OPM Collective na available na sa mga digital music store.

Naging bahagi nga rito ang ilan sa global artists mula sa America at Asya na umawit ng OPM classics tulad ni Nicole Scherzinger  na inawit ang Pangako; Kahit Isang Saglit - Ailee - South Korean ; Bakit Pa Ba - Matt Bloyd; Bakit Pa - Cheesa; Kailangan Kita - Pia Toscano; Usahay - Jake Zyrus; Pangako Sa ‘Yo - Shelea and Hanggang sa Dulo Ng Walang Hanggan na outro ni Regine Velasquez. “Ramdam ko na deserve ng OPM na mag-cross over kung saan maa-appreciate ng foreigners ang istilo ng Pinoy na maganda at musical,” banggit ni Troy.  “Blessed ako na makapagtrabaho para sa buong mundo at makatrabaho ang ilan sa mga tanyag na musikero. Pero mahalaga sa akin bilang musician na maibigay ko rin sa mga Pinoy ang lakas, oras, at effort na naihandog ko sa iba’t ibang foreign artists,” dagdag niya pa.

Nakatrabaho na rin ng talented producer sina Andrea Bocelli, Justin Bieber, Katy Perry, Steven Tyler, The Pussycat Dolls, at Filipino talents na sina Jay-R, Kyla, at Lani Misalucha.

“Karamihan sa artists na nakatrabaho ko ay natutuwa at nirerespeto ang passion ko sa piano music at love songs. Malaking factor ang OPM dito,” kuwento pa ni Troy kung saan nauna na niyang ibinahagi kung paano naimpluwensiyahan ang musika niya ng mga teleserye ng ABS-CBN sa pamamagitan ng TFC.

Agad ngang nag-create ng ingay ang nasabing album lalo na ang version ng former Pussycat Dolls na si Nicole na bumirit ng Pangako ni Regine Velasquez.

“I wanted Nicole to do this song because of its significance of a promise. Nicole and I share Filipino roots, and although we’ve been in America, like the song says, we promise to never forget, never leave, and always love our roots,” paliwanag ni Troy sa mga napiling kumanta ng nasabing album niya.

Ang American Idol season 10 finalist na si Pia Toscano naman ang nag-interpret ng Kailangan Kita na sinulat ni Ogie Alcasid.

Ang South Korean artist na si Ailee ang nag-interpret ng Martin Nievera’s Kahit Isang Saglit, na ayon kay Troy ay karaoke anthems ng kanyang ama. “AILEE is a massive star from South Korea, and I am such an admirer of her extraordinary gift. I knew she would be perfect to interpret and do this song justice,” he said.

Ang YouTube star nasi Matt Bloyd, ang bumanat sa kanta ni Jay-R  Bakit Pa Ba na sinulat ng idolo niyang si Vehnee Saturno.

Ang The Voice season 2 quarterfinalist na si Cheesa, meanwhile, rendered the Jessa Zaragoza original  Bakit Pa. “I grew up singing Bakit Pa with my little sister, Cheesa. We knew we had to revive this song together, put our spin on it and bring it back to our childhood days,” pagkukuwento pa ni Troy sa virtual media conference kahapon ng umaga.

OPM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with