Happy birthday, Papa Miguel...
Miguel Belmonte
STAR/ File

Happy birthday, Papa Miguel...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Naku, Salve, birthday na naman ng big boss natin na si Papa Miguel Belmonte.

Talagang hindi puwedeng kalimutan ang special day ng pinaka-favorite big boss Papa Miguel, dahil siya na yata ang pinaka-supportive boss sa lahat ng naging bossing ko.

Una kong naging boss si Papa Andrew Go, ang uncle ni Papa Miguel, at ang mother niya na si bossing Betty Belmonte. Kaya masasabi ko na isa ako sa mga naging Yaya Dub noong mga bata pa sina Papa Miguel, Kevin at Isaac.

Mula pa noon hanggang ngayon, never na nag-iba ang ugali ng mga Belmonte, pati si Cong. Speaker Sonny Belmonte, dahil kahit saan mo man sila makita, babatiin ka nila. At talagang feel mo na parang pamilya mo na sila at hindi lang boss dahil sa kanilang kabaitan.

Happy birthday, Big Boss Papa Miguel Belmonte, you will always be my special boss forever, promise. Thank you for the trust and respect, thanks for all these years working with you. We love you, promise.

2-2-Bee lumilipad na!

Ang saya ko dahil parang ang bilis ng Take It… Per Minute Me Ganun noong Martes kaya kamuntik na tuloy naming banggitin ‘yung 2 2 Bee project ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan.

Sobra namang spoiled ng mga taga-Pandi ha, kasi pati ang pagpunta sa grocery o palengke, puwede na nilang itawag at merong gagawa nito para sa kanila. Malaking tulong din sa riders at sa mga senior citizen para hindi na lumabas ng bahay at mas lalong maging ligtas sa COVID-19.

MIGUEL BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with