^

PSN Showbiz

Lovi, hindi apektado ng mga intriga sa taping

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lovi, hindi apektado ng mga intriga sa taping
Lovi Poe
STAR/ File

Kahit may intriga ang ibang co-stars niya sa romantic-comedy series na Owe My Love na pinagbibidahan nila ni Benjamin Alves, tahimik lang si Lovi Poe. Puro good vibes nga lang tungkol sa kanilang taping ang ipino-post ng aktres.

At habang nasa lock-in taping, obvious din na nami-miss ni Lovi ang boyfriend na si Montgomery Blencowe na nakasama niya kamakailan sa Los Angeles, California.

Panay rin kasi ang post nito ng mga picture na kuha nang magbakasyon siya kamakailan sa L.A.

Oo nga pala, naintriga ako sa posting ng Hollywood producer-boyfriend ni Lovi. May pa-throwback post kasi siya na kuha nila ni Lovi nang magbakasyon sila sa Boracay Island nang dalawin niya rito sa atin ang girlfriend.

Caption kasi ni Montgomery sa picture nila ni Lovi na kuha sa Crimson Resort & Spa Boracay, “Another beach trip is definitely due.”

May balak ba si Montgomery na dalawin uli si Lovi dito?

Well, baka, pero medyo mahigpit pa rin ang pagpapapasok sa mga
foreigner dito sa atin at ang alam ko ay kailangang may visa na kahit Americans dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Aktres na-guilty, niregaluhan ng alahas ang nabugbog na kapwa aktres

Malapit nang ipalabas ang restored version ng isang pelikulang pinagsamahan ng dalawang premyadong aktres.

Naalala ko tuloy ang kuwento ng isa sa dalawang aktres tungkol sa “bugbugan” scene nila sa pelikula.

Ilang takes din ‘yon. Nagkapasa-pasa ang isa sa dalawang premyadong aktres at itinakbo pa siya sa clinic.

Nag-iiiyak din ang isa sa dalawang premyadong aktres.

Siyempre, gusto kasi ng direktor nila na gawin nilang makatotohanan ang nasabing eksena, kaya hindi naiwasan na nagkasakitan sila.

Pero sabi nga ng nasaktang aktres, mabait talaga ang aktres na kaeksena niya. Nang malaman nito na masyado siyang nasaktan sa eksena at nagkapasa pa, ipinatawag siya ng co-star sa room nito (location shooting kasi sila).

Sinorpresa ni aktres ang aktres na nasaktan sa eksena nila. “Blinindfold pa muna niya ako dahil may surprise siya sa akin. Isa-isa niyang isinuot sa akin ang set ng jewelry na gift niya sa akin.

“Nakakatuwa nga. Talagang niregaluhan niya ako ng set ng jewelry kahit wala naman siyang dapat ika-guilty dahil pareho lang naman kaming umaarte.

“Pero dahil nasaktan ako at nagka-black and blue pa nga, niregaluhan niya ako,” sabi ng isa sa dalawang premyadong aktres.

Si premyadong aktres na nasaktan sa eksenang ‘yon ang nagsasabing kahit noong araw na pareho pa silang young stars ay mabait naman talaga ang premyadong aktres na nagregalo sa kanya ng set ng jewelry.

Ang bongga, Ateng Salve, huh! ‘Yun na!

vuukle comment

LOVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with