Andrea nag-demand na raw ng kasal kay Derek kaya hiniwalayan, Nora nagpasara noon ng department store
Derek
STAR/ File

Andrea nag-demand na raw ng kasal kay Derek kaya hiniwalayan, Nora nagpasara noon ng department store

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Issue raw talaga ng kasal ang dahilan kaya nag-break sina Derek Ramsay and Andrea Torres ayon sa source ng Take It… Per Minute, Me Ganun.

Ayon sa source ni Nay Cristy Fermin, nang ungkatin daw ni Andrea kay Derek ang kasal, sinabi raw nitong marami pa siyang commitment, until 2022.

So, kailangan pa raw maghintay ng Kapuso sexy actress ng two years bago magkaroon ng kasalan. Kaya umayaw daw si Andrea, na umabot sa hiwalayan. Eh ayaw daw ng family ni Andrea ng live in set-up dahil conservative ang mga ito.

Pero may narinig din naman akong issue na diumano’y ‘pag nag-aaway daw kasi sila ni Derek ay ang bilis magsumbong ni Andrea sa ibang kaibigang press. Pati diumano ang parents nito, may say na raw sa relationship nila ng actor.

Though may anggulo ring mama’s boy kasi talaga si Derek kaya wala naman talaga sa vocabulary nito ang kasal.

Parehong hindi nagsasalita ang dating magkarelasyon sa totoong rason ng kanilang breakup.

Vindicated nga raw si Angelica Panganiban sa nangyari dahil diumano’y nagbigay ito dati ng warning nang malaman niyang sina Derek at Andrea na nga.

Naiisyu si Angelica kay Zanjoe Marudo sa kasalukuyan though lumutang din naman na may suitor or BF na ito (Angelica) na mayaman.

Pero may chika rin namang break na si Zanjoe sa girlfriend niyang surfer kaya may chance talaga sila ni Angelica matapos silang magkaroon diumano ng mas malamin na closeness sa ginagawa nilang teleserye.

Anyway, may pa-throwback din chika sa TIPMMG, tungkol kay Nora Aunor na consistent daw sa pagiging ‘generous.’

Noon daw, pag-aalala ni Nay Lolit Solis, noong time na kasikatan si Ate Guy, nagpasara ito ng isang sikat na department store at binili lahat ng tinda nito saka ipina-raffle sa mga kaibigan.

Ganun daw ito ka-generous sa mga kaibigan to the point ubos-biyaya kaya ang ending siya ang nawawalan.

Noong mapera rin daw ito, kahit sinong manghingi ng tulong, mabilis itong maglabas.

Naalala lang ito dahil nga sa isyung ang generous daw nito sa kasalukuyan habang nasa lock-in ­taping para sa kanyang serye sa GMA 7 na Bilangin ang Bituin sa Langit.

One thousand dawkung mamigay ng tip sa mga bellboy si Ate Guy na nag-a-assist sa kanila sa resort kung saan sila naka-lock in taping.

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood sa episode 76 ng Take It… Per Minute, Me Ganun, maki-team replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at YouTube channel ng PSN.

DEREK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with