Barbie, ayaw dyowain si Diego
Barbie
STAR/ File

Barbie, ayaw dyowain si Diego

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Matagal nang magkaibigan sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga pero ayon sa aktres ay niligawan din siya ng binata noon.

Nagsimulang maugnay ang dalawa kamakailan nang magkomento si Diego sa isang larawan ni Barbie sa social media. “Siguro po nagpaparamdam, actually po magkaibigan talaga kami before pa super close na talaga kami. ‘Yon nga po matagal po kaming hindi nagkita pero isa lang din po ‘yung grupo namin. Tapos ‘yung mga friends namin gusto nila, ‘Try n’yo kaya mag-date ni Diego.’ Tapos kami parang, ‘Huwag na, huwag na.’ Kasi noong 2018 ang dami kong pinagdaanan sa love life and si Diego din. So parang ako, hindi kami perfect for each other no’ng time na ‘yon,” nakangiting kuwento ni Barbie.

Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan noon nina Barbie at Paul Salas. Pagkatapos nito ay kay JM de Guzman naman naugnay ang dalaga. Para sa aktres ay mas mabuting manatili na lamang silang magkaibigan ni Diego sa ngayon. “Recently no’ng pumunta sila sa house, parang ako, hindi pa rin. Kasi kaibigan ko siya at alam ko ang pinagdaanan niya. Ayaw ko ‘yung babae na ibi-break ‘yung heart ni Diegs. So parang tinuloy namin na hindi (maging magkasintahan), ­maging friends na lang tayo. Kapag alam mo kasi ang pinagdaanan ng tao parang ayaw mo siyang ibalik sa sitwasyon na ‘yon ulit,” makahulugang pahayag ng aktres.

Michelle, naramdaman kay Enzo ang halaga bilang babae

Naibahagi ni Michelle Vito sa Magandang Buhay kung ano ang mga katangiang nagustuhan niya sa kasintahang si Enzo Pineda. Matagal-tagal din ang ginawang panliligaw ng aktor sa dalaga bago tuluyang sagutin ito. “During no’ng ligaw stage namin, siguro nakita ko talaga sa kanya ‘yung consistency niya sa pagsuyo sa akin. Then every time na niyayaya niya akong lumabas, siyempre noong una ayaw ko pa. Ilang beses ako nag-no na huwag muna pero siya tuluy-tuloy lang siya.

“Nakita ko ‘yung patience niya na hindi siya sumuko. Hindi porke’t nagsusungit ako ay ayaw na niya, so I think isa ‘yon sa mga nakita ko na pwede siya. Siyempre important ‘yung consistency ng tao at ‘yung pasensya niya sa iyo. Siyempre hindi naman palaging okay ang relationship n’yo. So doon pa lang sa ligaw stage at tinest ko na siya and hanggang saan niya ako maiintindihan,” pagdedetalye ni Michelle.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa nobyo dahil sa pagmamahal nito sa kanya. Nararamdaman umano ni Michelle kay Enzo ang halaga bilang isang babae. “Gusto ko mag-thank you kasi lagi kang nandiyan. Alam ko na kapag kailangan kita ay nandiyan ka. Thank you kasi nalaman ko ang worth ko as babae. Kasi ‘yon ang ipinakita mo sa akin kung ano ang dapat matanggap ko, ano ang dapat ma-feel ko as a woman. Kasi hindi ko siya masyadong naramdaman din before. Pero ikaw talagang ipinakita mo sa akin. Hanggang ngayon araw-araw pinapatunayan mo ang sarili mo sa akin na ito ka, ito dapat ang matanggap ko sa iyo. So thank you and diyan ka lang ha,” mensahe ng aktres kay Enzo. (Reports from JCC)

BARBIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with