Zia, grabe ang kilig sa birthday message ni Sarah!

Zia, grabe ang kilig sa birthday message ni Sarah!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

Grabe ang kilig ni Zia Dantes sa birthday message ng super idol niyang si Sarah Geronimo habang pinapanood niya ito.

Fifth birthday ni Zia yesterday.

Pinakita nga ng daddy niyang si Dingdong Dantes ang iba-ibang reaction ng kanilang daughter ni Marian Rivera.

At talagang kahit photos lang, mapi-feel ang happiness nito - natawa, kinilig, naiyak, napatili etc. etc.  Ang cute, super.

Nauna nang nai-chika ni Marian ang pagiging fan ni Zia kay Mrs. Matteo Guidicelli na isang certified plantita.

Caption nga ni Dingdong : “The prog­ression of her kilig when we made her watch the birthday greetings of her most admired media personalities. #SarahG.”

Sa post naman ni Marian ay super touched ito sa wish ng anak na safety and healing for everyone sa edad na five.

“Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends and everyone she knows safe and for the World to be healed. awww.”

“Thank you for being such a thoughtful daughter, mama is always here to protect and support you all the way... Happy Birthday Anak! Mahal na mahal ka namin. #HappyBirthdayAteZia.”

Anyway, naikuwento na ni Marian sa isa sa mga new normal interview namin na super favorite ni Zia ang Tala na kanta ni Sarah at kung sumayaw daw ito. At na mention rin niya na nahihiya na si Zia na parang dalaginding na makikita mo nga sa photos ni Dingdong. “Nakita namin nahihiya na siya. Hindi na katulad ng dati. Kapag nakikita niya ‘yung commercial niya ng Nido… dati, ‘That’s me, that’s me.’ Ngayon hindi na, nahihiya na siya,” banggit dati ni Marian.

Happy birthday, Zia.

 

 

ZIA DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with