John Lloyd at Bea love, bubuhayin sa TV5!?
Albee Benitez at John Lloyd

John Lloyd at Bea love, bubuhayin sa TV5!?

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

Matapos i-label ni Bea Alonzo na fake news ang sinasabing paglipat niya sa TV5, malaki na raw ang chance nitong mapanood sa nasabing network katambal si John Lloyd Cruz matapos itong lumayas diumano sa Star Magic at lumipat ng manager, Ms. Shirley Kuan, ayon sa isang source.

Bago pa lang nagsasara ang ABS-CBN sa kawalan ng franchise noon nang magsalita si Bea na hindi siya lilipat ng network.

Pero matunog ang chika na ayun nga, may reunion project sila ng ka-loveteam na kasama niyang nag-’refresh’ sa isang resort sa Batangas last weekend.

Last September nang mag-back out si Bea sa teleserye sana nila ni Richard Gu­tierrez na Kahit Minsan Lang na nakatakda sanang ipalabas sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN.

Handa na sana ang lock-in taping at nakapag-swab na raw lahat noon nang mag-backout ito.

Anyway, pangungunahan na ni Direk Lauren Dyogi ang Star Magic starting next year.

Samantala, nagbigay na rin ng hint si former Cong. Albee Benitez na makakatrabaho nga nila si John Lloyd matapos siyang mag-post ng picture nilang dalawa na may caption na “Better days ahead...”

 

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with