^

PSN Showbiz

Chito, magbabahagi ng tips sa songwriting at live performances sa Musiclass

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Chito, magbabahagi ng tips sa songwriting at live performances sa Musiclass
Chito

Matutuwa ang mga matagal nang sumusubaybay sa pagbabanda sa bansa dahil pangu­ngunahan ni Chito Miranda ng bandang Parokya Ni Edgar ang magaganap na MYX Musiclass ngayong Nobyembre 28 (Sabado).

Matapos magbahagi ng mga kaalaman nila sina Raymund Marasigan sa Music Production 101 at ang magkapatid na sina Paolo and Miguel Guico ng Ben&Ben sa Songwriting 101, ibibida naman ni Chito ang mga personal niyang karanasan sa pagsusulat ng kanta, pag-awit, at pagpe-perform nang live sa ikatlong leg ng MYX Musiclass.

Kilala si Chito bilang lead singer ng Parokya Ni Edgar at aktibo sa pagbabanda simula pa noong late ‘90s. Marami na silang nai-release na iconic hits mula sa mga matagumpay nilang albums.

Siguradong nag-aabang ang mga makabuluhang aral at puno ng inspirasyong mga kwento para sa 500 na maswerteng participants sa eksklusibo at libreng Zoom webinar, kaya pwede nang mag-register dito ang mga interesado.

Huwag palampasin ang pagkakataong matuto mula mismo kay Chito sa ikatlong leg ng MYX Musiclass ngayong Nobyembre 28 (Sabado), 4 p.m.! Mag-register na para makakuha ng slot.

 

vuukle comment

CHITO MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with