^

PSN Showbiz

Kim, sinagot ang bashers

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, sinagot ang bashers
Kim

Mahigit dalawang milyon na ang subscribers ng YouTube channel ni Kim Chiu. Masaya ang aktres dahil patuloy siyang sinusubaybayan ng mga tagahanga sa social media. Binigyang-pansin ni Kim ngayon ang kanyang bashers dahil marami rin sa subscri­bers ang humihiling nito. “Isa ‘to sa mga most requested na gusto n’yong gawin sa vlog ko. So dahil two million na tayo, magse-celebrate tayo ng mga hate messages or mga hate comments. Babasahin natin ito one by one kasi gusto ko lang saktan ang sarili ko ng very little,” nakangiting pahayag ni Kim sa vlog.

Mainit na pinag-usapan ang aktres ilang buwan na ang nakalilipas dahil sa kanyang ‘classroom law’ analogy. Marami sa netizens ang nagbansag na ‘tanga’ si Kim dahil sa kanyang naging paliwanag tungkol dito. “’Na-expose mo ang sarili mo Kim Chiu. Tanga ka talaga.’ Ano ba ang problema ninyo? Wala namang tanga. Sadyang may mga tao talagang nagkakamali lang. Tsaka ‘yung mga pagkakamali na ‘yon, it will help you grow. It will thicken your character in life. It will make you strong. Kaya tayo binibigyan ng pagkakamali para matuto tayo. Huwag ‘tanga’ agad,” paglalahad ng dalaga.

Upang makaiwas sa mga mapanirang salita mula sa netizens ay naka-off na lamang ang comments section ng YouTube channel ni Kim. May nagsabing duwag daw ang aktres na harapin ang comments ng bashers. “Grabe! Hindi ba puwedeng gusto ko lang mag-share nang ginagawa ko. Gano’n lang naman siguro ang mundo ng social media. Gusto natin i-share kung ano ang gusto nating i-share sa mga tao. ka­ming mga celebrities, natutuwa kami i-share ‘yung kung ano ‘yung hindi n’yo nakikita on-cam. So with the use of Instagram, Twitter lalo na sa YouTube world. Dito n’yo nakikita ang totoong kami. Kung i-turn off man namin ‘yung comments section namin, ‘yon ay tao din naman kami. ‘Di ba sometimes hindi mo na ma-control ‘yung tao. Kasi minsan sa comments box mo nag-aaway-away na silang lahat. Tao din kami, nasasaktan din kami. Kilala n’yo lang kami because ito ‘yung line of work namin na we chose to entertain people, dancing, acting, singing, hosting para naman matuwa kayo sa amin, ” paliwanag ng aktres.

Matteo at Sarah, nagkakaroon na ng conflicts

Siyam na buwan na ang nakalilipas nang magpakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ayon sa aktor ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ng Popstar Royalty dahil normal na ang ganito sa mga mag-asawa. “Sobrang thankful na nakahanap ako ng asawa katulad ni Sarah. I’m very grateful. I think it’s very, very normal to have conflicts here and there, you wish not to have them. But I think it’s normal to have them. What’s important is you just say, ‘It’s my fault,’” makahulugang pahayag ni Matteo.

Bukod sa kanya-kanyang mga pamilya ay maraming mga kaibigan din ang nagtatanong kung kailan na planong bumuo ng pamilya ng mag-asawa. “Ngayon lang kami nagkasama-sama. We are not rushing. In God’s will, God’s time it will happen,” giit ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with