^

PSN Showbiz

Derek at Andrea, ‘nagluluksa’ pa?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka ako kung bakit hindi natin matanggap na ‘pag may breakup, kung gaano nasaktan ang babae ganu’n din tiyak ang sakit na nararamdaman ng lalaki.

Ok lang na in general ang sympathy ay nasa babae dahil feeling natin mas fragile sila, pero in fairness, masakit din sa isang lalaki ang breakup.

Kung masakit para kay Andrea Torres, sure akong very sad din si Derek Ramsay. Hindi naman siguro laro lang ang relasyon na tumagal ng more than a year. Siyempre matimbang din ang emotion na invested dito, matindi rin ang time na ibinigay mo, kaya both ways, sure ako na magsa-suffer sila pareho.

Maybe ‘yung moving on process ay iba lang ang atake ng bawat tao, may iba na madaling maka-bounce back, ‘yung iba naman matagal, pero pareho pa ring nasaktan.

Kaya sina Derek at Andrea ay parehong masakit pa ang puso, kaya bigyan natin sila ng space, bigyan ng panahon para mag-heal ang sugat, at ipag-pray natin na pareho rin nilang makamit ang happiness na hinahanap nila. Both of them ay mababait na tao deserving of happiness. Let them grieve in silence.

Ang bilis ng panahon…

Tingnan mo, Salve, ‘yung dati nating ginagawa last year parang ang bilis, mamaya hindi natin namamalayan na 2021 na dahil papasok na ang December. Parang kailan lang nang magpunta tayo sa Angeles para maki-birthday party kay Rhea Tan ng Beautederm, this year hindi na, dahil bawal pa ang big gathering. Nanalo pa kayo nila Gorgyn sa raflle at meron pang nag-win ng laptop but now waley na dahil sa pandemic.

Inaabangan na natin noon ang magiging top grosser ng filmfest, ngayon waley, mga Christmas party noon lagare, now no more. Hah hah, pati nga presscon tipid dahil wah na food dahil virtual na lahat, kaya exciting ‘yung konti na face to face.

Buwis-buhay naman dahil nga lalabas ka para suungin ang takot sa virus, Hah hah, parang ‘yung unang face to face presscon sure ako blockbuster dahil tiyak maraming pupunta dahil matagal naburo sa bahay.

Parang feel ko ang unang magbibigay ng big presscon ang Beautederm at Brightlight Productions dahil sila ang bonggang-bongga ngayon. At malapit na ang 2022 election noh, sure akong mag-uumpisa na rin ng getting to know you ang ilang candidates para mag-umpisa na makilala at magparamdam sa publiko.

 

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with