^

PSN Showbiz

Parents nina Sarah at Matteo, ini-expect sa kanilang church wedding

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Parents nina Sarah at Matteo, ini-expect sa kanilang church wedding
Sarah at Matteo

Kaya nga siguro hindi pa nagma­madaling magka-baby sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay dahil type pa rin nila na magkaroon ng church wedding. Maganda namang idea dahil baka sa church wedding nandu’n na ang pamilya ni Sarah at kasama na ng pamilya ni Matteo para sa importanteng okasyon sa buhay ng kanilang mga anak.

Cute rin naman na bago sila magka-baby ay matupad ang pangarap ni Sarah na church wedding.

At sana nga maayos na ang lahat para sa dalawang pamilya para smooth at happy na talaga ang pagbuo ng bagong pamilya ni Sarah sa piling ni Matteo.

Ang ganda naman talaga ng pairing ng dalawa, kaya sure na magagandang babies ang kanilang magiging bunga.

Magiging kumpleto na ang buhay ni Sarah ’pag naayos na ang lahat. At hopefully itong pagsasama nila will last a lifetime dahil sa love nila for each other.

John Lloyd, Brightlight ang pinili

Mukhang sa Brightlight Productions gagawa ng project si John Lloyd Cruz. Nag-post na si Cong. Albee Benitez ng photo nilang dalawa ni John Lloyd. Maganda naman kung sakali, dahil kilala ang Brightlight sa hindi pagtitipid pagdating sa gastos ng production, at mukhang lahat naman doon ay mga kakilala ni Lloydie sa ABS-CBN kaya feel at home pa rin siya.

Exciting kung ano man ang project na gagawin ng Brightlight at John Lloyd, dahil sa tagal na hindi ito gumawa ng anumang project, talagang ‘yung pinakagusto niya ang una niyang ihahandog sa fans na matagal siyang hinintay.

Hoping this one will really soar high dahil bongga, si Papa Albee ang pinili ni John Lloyd, ano pa ang ibig sabihin, talagang promising ang Brightlight ‘di bah!

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with