Bagong mag-asawa gumagastos sa halaman, may pinag-aawayan na rin
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
Bagong mag-asawa gumagastos sa halaman, may pinag-aawayan na rin
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

Matteo, maghihintay ng vaccine bago ituloy ang church wedding nila ni Sarah

Maghihintay muna ng vaccine si Matteo Guidicelli for COVID-19 bago planuhin ang church wedding nila ng misis niyang si Sarah Geronimo.

Natanong kasi ang aktor du­ring the virtual presscon for Sun Life Philippines kung kailan na nila planong ituloy ang church wedding.

Maalaala ngang ikinasal sila last February 20, na supposedly ay secret wedding, pero natunugan nga ni Mommy Divine.

Hanggang inabutan na nga ng lockdown ang sinasabing church wedding nila sa Italy kaya’t ‘di na napag-usapan. “Baka, when the time is right. Sana, of course, I mean ‘yun ang talagang maganda. Kung may vaccine na tayo lahat,” aniya sa mga imbitadong entertainment press and bloggers sa nasabing media conference via Zoom.

So kailan naman nila planong magka-baby ng misis niyang na-discover niyang mahusay palang baker?  “Sana next week na. Hahaha.  But we’re not rushing. In God’s will, that will happen. Sana in the near future, we’ll see,” sagot pa ng aktor. “Right now, we’re not trying, we just letting life move on and enjoying, and enjoying each other because we haven’t really spent time together in our boyfriend/girlfriend stage. We’re very blessed today and we’re not rushing anything,” paliwanag pa ni Matteo na magkakaroon ng Christmas special sa Kapamilya channel kung saan naiyak daw siya nang bumalik sa ABS-CBN compound.

Sila na nga ang masasabing may pinaka-mahabang honey­moon. After their wedding, middle of March, nag-lockdown na at parang two months ago lang medyo lumuwag sa health protocol.

Besides may bagong baby daw sila. Kapapanganak ng sister niya na nagpapasaya sa family nila. “It’s a blessing and you know, I’m having so much respect to all the women out there that have children. Talagang I can’t wait for our own in the future, so we’ll see in the future,” he said.

Ilang anak naman kaya ang plano nila? 

“As many as we can. Hahaha. ‘Di ko pa alam, the more the merrier!” sagot niya pa uling tumatawa.

Now, thankful siya na si Sarah ang nakikita niya paggi­sing sa umaga. “These are the best times of my life!” Matteo exclaimed, basking in the newlywed glow.

“I’m thankful to wake up next to my wife every single day. I feel blessed,” dagdag niya sa virtual media conference last Friday night.

Pero aminado siyang hindi perfect ang lahat at “there are days na nag-aaway kayo, ah sana wala na ito. Sana hindi na kami nag-aaway. Siguro that’s part of it. You just learn how go through it eh,” paliwanag niya sa ilang pinagdaraanan nila.

At sa pagsisimula nga ng new chapter sa kanyang buhay, hindi lang siya basta maligaya sa kasalukuyan kundi naghahanda na rin siya para sa future nilang mag-asawa at sa mga magiging anak nila.

Kaya nakaka-calibrate na ang kanyang financial journey para masigurong makakapag-provide siya sa kanilang binubuong pamilya ni Sarah.

Kaya naman sakto ang Newlywed Starter Pack ng Sun Life Philippines kung saan nag-create sila para sa mga katulad ng aktor. 

The Newlywed Starter Pack combines the SUN Smarter Life Classic life insurance and Sun Life Prosperity Achiever 2028 mutual fund investment sa halagang P5,000 per month. 

“I believe in the value of proper planning for my va­rious pursuits, such as a movie role or a triathlon race, and I look forward to applying this in the next level of my financial journey. With Sun Life, I am more confident that I can give my loved ones a brighter future,” Matteo said.

At may pinagkakagastusan na ba sila bilang bagong mag-asawa? “We did buy a huge TV, I’ll have that on my Youtube video this week. We’ve been also good plantitos and plantitas. We splurge on plants these days,” at ‘di raw niya inexpect na makakabuhay siya ng halaman.

 

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with