John lloyd, pinatutunayang maraming naipong pera!
John lloyd
John lloyd, pinatutunayang maraming naipong pera!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

Ang dami sigurong inggit kay John Lloyd Cruz ngayon.

Nag-lay low siya sa showbiz nang magkaroon ng relasyon kay Ellen Adarna. Iniwan ang showbiz at nag-stay sa Cebu nang maghiwalay sila para makita ang anak sa dating sexy actress.

Hanggang nagkaroon ng pandemic at hindi pa rin siya tumatanggap ng anumang assignment, TV or movies, pahinga pa rin siya. Tapos mababalitaan mo nagpapagawa siya ng rest house sa Coron, Palawan. ‘Di ba ang bongga! Imagine puwedeng mag-rest ng matagal sa trabaho, tapos meron pa rin investment.

Ganun kahusay ang paghawak niya ng pera at nagawa niyang makaipon mula sa trabaho niya.

Ngayon, easy-easy lang siya, tatanggap ng trabaho na gusto lang niya, magtra-trabaho pag feel niya. Iyon dapat ang nangyayari sa mga nabigyan ng chance na maka-trabaho ng husto na dapat nakaipon, dapat hindi nagwaldas ng pera, dapat maingat sa paggasta. Para sa panahon na gusto mong pa easy-easy, meron ka pang pera na panggasta.

Mga bonggang gourmet food, presyong street food na

Natuwa ako Salve sa get together natin nila Jun Lalin, Ian Farinas, Dondon Sermino, Gorgy Rula at Ogie Narvaez dahil ginawa natin iyon sa bagong resto ni Chef Cris na ang bait at kilala natin mula pa nang magtayo siya ng eatery sa tapat nila Bambbi Fuentes salon.

Very accommodating ang mag-asawang Cris at misis niya kaya naman at home tayo sa Gourmet Hits the Streets na tapat lang halos ng Ateneo sa Esteban Abada.

Ang sarap ng mga food na blow-out sa atin ni Atty. Ferdie Topacio at talagang ang sarap ng kuwentuhan kahit halos lahat off the record. Isa sa naging instant favorite ko ang sisig nila.

Ang sarap din na paminsan-minsan kahit pandemic nagkikita-kita tayo dahil maraming catching up to do sa kuwentuhan lalo pa nga ang daming mga pangyayari around us.

Basta ‘pag nasa vicinity kayo ng Loyola Heights sa may Esteban Abada, don’t forget, Gourmet Hits the Street, talagang high end food sa street price.  

 

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with