Atlong official entries ng MMFF, nag-backout na
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

May lumabas na ngang statement na nag-backout na ang entry ng Viva Films na Praybeyt Benjamin 3 sa Metro Manila Film Festival 2020.

Hindi raw kakayanin sa schedule at sitwasyon ngayon na mahigpit ang mga safety protocol, mahirap sa kanilang ituloy ang naturang pelikula. Kaya ang balak nilang ipalit ay ang pelikulang Pak Boys na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Jerald Napoles.

May lumabas ding balitang balak na rin daw mag-backout ng pelikulang Ang mga Kaibigan ni Mama Susan ng Regal at ipapalit nila ang The Missing.

As of presstime, hindi pa ako nasasagot ni Roselle Monteverde kung totoo nga bang hindi na nila itutuloy itong pelikula ni direk Chito Rono na pinagbidahan ni Joshua Garcia.

Ang isa pang narinig namin ay balak na ring mag-back out ng Magikland ng Brightlight Productions dahil sa laki ng budget nito, mahirap bawiin kung mag-online lang ang MMFF. Pero sabi naman ng taga-Brightlight, tuloy pa rin daw sila sa MMFF.

Sa November 30 na ia-announce ang apat pa na official entries mula sa mga na-screen at doon na rin i-finalize kung ano na ang ipapalit sa mga nag-back out na entry.

Kahit ang ipapalit ng Viva o baka pati iyung sa Regal ay kailangang idaan pa rin iyun sa Screening Committee kung pasok sa walong pelikulang kalahok. Kaya ang ilang pelikulang official entries sa ‘di natuloy na Summer Metro Manila Film Festival ay isinumite na rin at nagbakasakaling makapasok sa magic 8.

Isa na nga rito ang Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertainment. Nandiyan din ang Tagpuan ni Cong. Alfred Vargas kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Vice mas inuna ang Fundkabogable kesa pelikula

Hindi na nga nagkaroon ng panahon si Vice Ganda na makapag-shoot sa MMFF entry niya dahil ang isa sa pinagkaabalahan niya ngayon ay ang kanyang FUNDkabogable Donation Drive para sa mga nasalanta ng matinding baha ng bagyong Ulysses.

Nakalikom ang naturang drive ng mahigit P1.5-M at in-announce na  niya sa kanyang Twitter account na dinala na sa mga nasalanta ng baha.

Nasa malaking trak ang mga ayuda mula sa nalikom na donasyon, at nakalagay doon sa tarpaulin ang “Ang lahat ng ayuda na ito nalikom mula sa mga donasyon ng madlang people.”

Nakakatuwa ang pagiging masigasig ng ating mga paboritong celebrities na aligaga sa paglikom ng tulong para sa mga nasalanta ng baha.

Ang latest ay itong The Clean Water Project na inilunsad ni Jason Abalos na ang layunin nito ay makapagbigay ng malinis na tubig sa mga nabahaan sa Isabela at Cagayan.

Kuwento ni Jason sa kanyang Facebook account; “Kahapon kausap ko pinsan [Mitch Abalos] ko na nasa Isabela, sabi ko bili tayo water contai­ners para pwede pa magamit ulit, at sana may mga refilling station sa Cagayan at Isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig.

“Nakapagbigay po kami ng ilan. Pero marami pa rin po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom.

“Hindi ako nagse-celebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at magpapainom tayo ng malinis na tubig. DM n’yo na lang po ‘yong regalo n’yo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. Maraming salamat po.”

Marami ang nagpaabot ng tulong at nung Huwebes ng gabi ay nakaipon na ng clean drinking water para sa 400 families ang proyekto.

Mas mabuti na itong pinag-aaksayahan ng panahon kesa sumali sa bangayan ng Pangulo nating Pres. Rodrigo Duterte at VP Leni Robredo.

Aicelle bibigyan uli ng baby shower

Ang saya ni Rachel Ann Go kasama ang asawa niyang si Martin Spies na in-announce sa kanyang You Tube channel na magkakaroon na sila ng baby. Pero bago ‘yan, si Aicelle Santos muna dahil malapit na niyang isilang ang first baby nila ni Mark Zambrano na isang baby girl na papangalanan nilang si Zandrine.

Mamaya sa All-Out Sundays ay magkakaroon sila ng baby shower para kay Aicelle.

Work from home pa rin kasi si Aicelle dahil sa kalagayan niya.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with