Raymart, wala raw P100k na pantustos sa mga anak ni Claudine
Raymart, wala raw P100k na pantustos sa mga anak ni Claudine
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

Matapos ang mahaba-haba rin namang panahon ng pananahimik, at kung kailan inaakala nga ng marami na mukhang ayos na naman ang kaso nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, nakakagulat at hindi pa pala tapos ang demandahan sa dating mag-asawa.

Nagkasundo na rin naman silang ipapawalang bisa na ang kanilang kasal, at mukhang ok naman sila roon, pero mukhang hindi ganoon ang nangyayari

Nagsampa ng panibagong kaso si Claudine laban kay Raymart dahil hindi raw ibinibigay noon ang sustento sa kanilang mga anak na napagkasunduan sa korte, na dapat sana ay one hundred thousand isang buwan. Sinasabing may panahon naman daw na nakakapagbigay si Raymart ng 14 thousand sa isang buwan, pero matagal na raw iyon at hindi nasusundan. Sinasabi ng lawyer ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio na maski na ang 14 thousand ay kulang na kulang sa dapat ay sustento sa kanilang dalawang anak.

May isang anak sina Claudine at Raymart, si Santino. Pero noong magpakasal kasi sila, sinasabing inampon na rin ni Raymart ang batang naunang inampon ni Claudine, si Sabina, at dahil doon ay may obligasyon na rin siyang legal sa bata.

Hindi pa sinasagot ni Raymart ang demanda sa korte ayon pa sa lawyer ni Claudine at nakatakda diumano ang hearing nila sa December.

Pero ang inaasahan nga ng maraming obser­vers, isasagot ni Raymart na wala siyang kakayahan na magbigay ng ganoon kalaking sustento, na ni siya sa sarili niya ay hindi niya kinikita ngayon, dahil matagal na nga rin siyang walang pelikula, at inabot pa ng pandemya na kahit na sa telebisyon tigil ang kanilang trabaho bagama’t nakasama siya sa Ang Probinsyano.

Hindi natin alam kung ano ang magiging kasunod niyan, pero mayroong may suspetsa na naiinis daw siguro si Claudine dahil habang wala siyang natatanggap na ayuda para sa kanilang mga anak, nababalita naman ang mga goodtime ni Raymart kasama ang kanyang bagong girlfriend na si Jodi Sta.Maria.

James, pinababalik sa dating image

Bukod sa isang interview sa internet, ang sumunod na pagkakita kay James Reid ay sa isang post nang sinasabing siya ay sumama sa taping ng Christmas ID ng ABS-CBN. Marami ang naninibago talaga sa histura ni James ngayon. Mahaba ang buhok, napaka-casual na lang ang damit, at hindi na kagaya ng image niya noong siya ay sumikat nang husto bilang isang matinee idol.

Siguro, ang sabi nga nila, ang pagpapalit niya ng image ay dahil na rin sa kanyang music career na medyo rock ang puntirya, pero mas marami ang naniniwala na mas sisikat siya kung napanatili na lang niya ang dati niyang image na isang poging matinee idol. After all iyon pa rin naman kasi ang in demand sa ngayon.

Siguro nga naisip na rin niya na sa linyang iyon ay talung-talo na siya sa popularidad ni Daniel Padilla. Nalampasan na rin siya ni Alden Richards, at maging ng popularidad ni Enrique Gil.

At mukha ngang mas may laban pa siya kung maibabalik niya ang dati niyang hitsura.

Aktor tuloy ang ‘pagtatago’

Kuntento ang isang gay male star sa ngayon. Naitatago pa rin kasi niya ang kanyang pagiging gay, sa tulong ng mga kaibigan niya. At the same time masaya siya sa kanyang hindi naman siguro matatawag na “lovelife” pero sa kanyang relasyon sa isang poging actor na hindi naman makaporma nang husto sa girlfriend sa ngayon.

At dahil hindi nga makahirit sa girlfriend ang poging actor, lagi namang available ang gay male star para “bigyan ng comfort” ang kanyang kaibigan.

RAYMART SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with