Mark, nawalan ng direksyon?!
Mark Herras
Mark, nawalan ng direksyon?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

Aaminin ko, Salve, na medyo harsh ako sa mga nasabi ko kay Mark Herras. Pero iyon talaga ang kalakaran sa buhay, lalo na sa showbiz. Alam mo na medyo nag-i-slide ka na sa kinalalagyan mo ‘pag hindi ka na hinahabol, hindi na tulad ng dati na isa ka sa laging nauuna. Pinaka-cruel sa lahat ‘pag nasa showbiz ka, na you are only good as your last role, your last script, last direction or your last article.

Dapat handa ka sa mga pagbabago sa paligid mo, at dapat lagi kang nasa fighting form kung gusto mo na lagi ay importante ka.

Ang showbiz parang school, pagpasok mo, first grader ka until maka-graduate ka. Dapat habang nasa loob ka patuloy ka sa pag-aaral, mag-improve ka sa acting at patuloy na maging maganda ang pakikisama.

Lagi mo ring alagaan ang iyong looks para lagi kang maganda at panlaban sa mga bagong pumapasok. But most of all, dapat la­ging maganda ang record mo para lagi kang gugustuhing katrabaho ng mga kasamahan mo.

Hindi puwedeng tutulug-tulog ka dahil parami nang parami ang mga kakumpetensiya, bawat taon may first grader na papasok na puwedeng humabol at mang-iwan sa iyo sa race for stardom.

‘Pag na feel mo na iba na ang trato sa iyo, gumising ka na at pag-aralan agad kung bakit. Dahil ba sa attitude ko, o hindi ako nag-i-improve sa acting ko, or baka naman wala na akong ningning dahil pinabayaan ko na ang hitsura ko?

Maraming bagay na dapat lagi mong binabantayan para hindi ka maiwan sa ibaba. At lahat ng iyan, mahalaga.

Kaya kung nasabi ko iyon, Mark, sorry, pero dapat mo ring pag-isipan ang lahat para sa career mo. Ikaw lang ang puwedeng mag-save at mag-ayos sa propesyon mo. 

Phoemela, ‘di natakot maghubad

Ang gandang tingnan ng mga buntis na nagpapa-pictorial nang malaki ang tiyan at parang walang takot makita ang mga katawan nila. Lately, si Phoemela Baranda ang nag-pictorial at, in fairness, ang sexy niyang tingnan.

Siguro nga, ang ganda ring memento ng photo mo with the baby bump kasi nga memorable moment iyon for a mother.

Bongga rin na ex pala ni Rhian Ramos ang father ng ipinagbubuntis ni Phoemela ha. Talagang small world ha, paikut-ikot lang ang characters, ‘yun bang parang sa iisang circle lang, ‘pag nag-break sa isa, mapupunta naman sa isa, kaya lahat sila, they know each other, bongga ha!

 

MARK HERRAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with