Kilalang news personality, walang kupas ang kakuriputan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

Tawa nang tawa ang aming mga impormante kapag ang pinag-uusapan na nila ay ang kilalang male news persona­lity. Matagal kasi nilang nakatrabaho ang nasabing tagapagbalita.

Ikinukumpara siya sa isang boksingero ng kanyang mga katrabaho. Sarado ang mga kamao. Napakasarado ng mga palad. Hindi pala siya karatista.

Kuwento ng aming source, “Kung saan-saan siya nakararating, iniikot niya ang buong bansa sa mga ginagawa niyang dokumentaryo, di ba? Natural, may budget naman ang production staff niya kapag ganu’n!

“Pero iba pa rin ‘yung marunong makisama ang host, di ba? Kaso, hindi ganu’n ang male news personality. Makasarili siya, wala siyang pakialam sa mga kasamahan niya, sa totoo lang!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Kilalang-kilala ang tagapagbalitang ito sa pinaglilingkuran niyang istasyon, hindi maitatago ang pagiging kuring niya, markado siya du’n.

Patuloy ng aming source, “Totoo ito, pero mahirap lang paniwalaan, parang OA ang dating. Kapag nagpapabili siya ng kape, kailangang may resibo ‘yun!

“Kahit isang kape lang ‘yun, dapat, de-resibo talaga. Alam n’yo kung bakit? Kailangan niyang ibigay ang resibo sa executive producer nila para ipa-reimburse ang ipinambayad niya!

“Totoo ‘yun! Makuwenta siya, kahit piso lang, mahalaga para sa kanya at sinisingil niya talaga sa production. Ganu’n siya katindi, para siyang palaging may baong calculator sa bulsa niya!

“Heto pa. Kapag nagugutom siya, e, magpapabili siya ng food. Kakain siyang mag-isa, pangkanya lang talaga ang ipinabibili niya, samantalang sinisingil niya naman sa production ang ipinang-aabono niya!

“Hindi siya tulad ng ibang hosts na marunong makisama, hindi sila lang ang kumakain, kailangang busog din ang mga kasamahan nila.

“Nag-iisa lang siya sa kakuriputan, nag-iisa lang siya sa pagiging makuwenta, nag-iisa lang siya sa pagiging maramot sa mga katrabaho niya!

“Kailangan pa ba ng clue, mga kabayan ko?” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Derek mas gustong pumatol sa bashers, gasgas na sa pagtatanggol sa mga ‘di pinakasalang babae

Oo nga naman. Napakagaling lumusot ni Derek Ramsay sa mga kontro­bersiyang kinapapalooban niya sa pakikipag­relasyon. Siya pa ang lumalabas na tagapagtanggol ng mga babaeng kinarelasyon niya pero hindi naman pinakakasalan.

Sagot siya nang sagot sa mga namba-bash sa kanya, ipinagtatanggol niya ang mga babaeng binibira, napakagasgas na ng kanyang linyang, “She is a great woman.”

Nagamit na niya ‘yun kay Solenn Heussaff, kay Angelica Panganiban, kay Joanne Villablanca at ngayon naman kay Andrea Torres.

Hindi siya nagbibigay ng interbyu para linawin ang pakikipaghiwalay niya, pero kapag may mga namba-bash sa kanya, du’n siya sagot nang sagot.

Natatawang komento ng kaibigan naming propesor, “Di ba naman, para siyang knight in shining armour sa pagtatanggol sa mga nakakarelasyon niya? Siya ang dumedepensa, otra sagot siya agad, pinangangaralan pa niya ang basher!

“Kung talagang ayaw niyang mag-comment dahil sagrado raw sa kanya ang relasyon, e, di i-block na lang sana niya nang i-block ang mga namba-bash sa kanya?

“Napakadali namang gawin nu’n, kesa naman sa kunwari, e, ipinagtatanggol pa niya ang babaeng nakahiwalay niya!” inis na komento ni prop.

Si Derek Ramsay ang pinakakain ngayon ng ampalaya at pinalulunok ng apdo sa social media. Matindi ang paghusga sa kanya, meron ka­sing pinanggagalingan ang mga nakamasid, maraming beses na siyang nagkarelasyon pero wala pa rin siyang pinakakasalan.

Nu’ng maging sila ni Andrea Torres ay ipinagtanggol niya si Joanne Villablanca sa pagiging single mom. Ngayon namang hiwalay na sila ni Andrea ay ipinagtatanggol din niya ang dalaga sa bintang ng iba sa pagiging asyumera.

Di ba naman, dakila pa rin si Derek Ramsay, hindi siya nagsasalita ng anumang ikasisira ng nakahiwalay niyang karelasyon?

Sabi uli ni prop, “Regalo talaga siya ng langit sa mga kababaihan sa lupa! Very protective siya, ipinaglalaban pa niya ang girl sa mga bashers! Enjoy na enjoy siya sa pagsagot, siya kasi ang man of the hour!”

Butas ng karayom ang kailangang lusutan ni Derek Ramsay sa hindi pagpapakasal sa mga nagiging karelasyon niya.

SHOWBIZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with