Derek, may pakiusap
Derek at Andrea
Derek, may pakiusap
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

Nakausap si Derek Ramsay ng co-host ko sa radio program namin sa DZRH na si Morly Alinio at kinumpirma nga niyang tapos na ang relasyon nila ni Andrea Torres.

Nakiusap lang ang Kapuso actor na irespeto lang daw muna ang kanilang pananahimik dahi hindi pa tamang panahon na magsalita sila.

Sa ngayon ay gusto lang daw muna niyang manahimik at sana hayaan na lang daw muna sila sa ganitong sitwasyon.

Nasa Instagram post din ng aktor na sinagot niya ang komento ng ilang netizen at doon na nga kinumpirmang break na sila ni Andrea.           

Ang weird lang, pati si Pops Fernandez ay idinamay pa ng ilang nakisawsaw sa isyung ito.

Dahil wala pang nagsasalita except sa mga sagot ni Derek sa bashers, kaya kung anu-anong kuwento ang naglalabasan kung bakit sila naghiwalay.

Teejay natakot nang tumodo sa ginawa nila ni Jerome

Tuwang-tuwa ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa magandang feedback at resulta ng ginawa nilang BL series na Ben X Jim na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

Consistent kasing nakaka-1M at higit pa ang views nito kada episode. At inaabangan na kung ano ang ending nito sa huling episode next week.

Sabi nga ni Teejay, hindi raw nila akalain na tinanggap ang BL series nila ni Jerome.

Ang isa pang ikinatuwa niya ay pati ang fans niya sa Indonesia ay nagustuhan ang BL series niya.

Di ba sikat si Teejay sa Indonesia dahil sa mga nagawa niyang series doon? Medyo conservative sa bansang iyon lalo na’t Muslim country ito, kaya hindi inaasahan ni Teejay na magustuhan ito ng  suppor­ters niya roon. “Nung una nagulat sila. Pero surprisingly marami pala talagang fans ang BL, pati ang mga babae, lalaki…lalo sa Pilipinas pati sa ibang bansa,” pakli ni Teejay.

Naisip din daw niya ang fans niya sa Indonesia na baka ma-offend o hindi magustuhan ang ginawa niya.

“Natakot akong mag-post ako tungkol dito sa BL na ito kasi siyempre strict yung country nila. Baka mamaya hindi nila matanggap.

“Nagulat ako na excited na excited sila…sila pa yung nagsasabing they can’t wait…hanggang ngayon isa sa may pinakamalaking support sa BL namin sa Indonesia,” bulalas ng aktor.

Hindi na iniisip ni Teejay na lalong pagdudahan ang pagkalalaki niya. Ang iniisip na lang daw niya ay magampanan niya nang maayos ang role sa seryeng iyon dahil maganda ang script at magaling din si Jerome na madalas niyang kaeksena.

“Sabi ko nga, gagawin ko naman to, itotodo ko na kasi this is my first project sa Pilipinas at ayokong masayang ang opportunity na ibinigay ng Regal.

“Kaya sabi ko kay direk, ‘tara direk, gagawin ko naman to eh, kaya itotodo ko na. So, in-enjoy ko na lang,” sabi pa ni Teejay Marquez.

Si Teejay ang isa sa regular hosts ng bagong noontime show na mapapanood sa PTV 4 sa susunod na buwan. Ito yung Good Laffternoon na kung saan makakasama niya ang mga magaga­ling na komedyanteng sina Ate Gay, Boobsie, Iyah Mina at EJ Salamante.

PPP, malalaman na ang kapalaran

Nagsimula na kahapon ang panonood sa 90 featured films sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2020.                                              Mapapanood ito sa FDCP Channel na sa halagang 599 pesos lamang ang lahat na pelikula. Puwede n’yong ma-check sa kanilang website ang schedule ng mga pelikulang gusto mong panoorin.

Ang isa sa inaabangan dito ay ang sampung pelikulang bahagi sa Premium Selection. Ito ang likha ng National Artist na si Kidlat Tahimik na Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag, The Helper ni Joanna Bowers na tumatalakay sa mga Filipino domestic helpers sa Hong Kong, Itoshi No Irene ni Keisuke Yoshida, Cleaners, Blood Hunters: Rise of the Hybrids, He Who is Without Sin ni Jason Paul Laxamana, The Highest Peak ni Arbi Barbarona, Kintsugi ni Lawrence Fajardo  at ang dalawang classic films na Batch 81 ni direk Mike de Leon at Brutal ni Marilou Diaz-Abaya.

So far, mahigit 7K subscribers na raw sila at inaasahan daw nilang madadagdagan pa ito dahil marami naman ang curious sa bagong sistema ng film festival natin na online dahil sarado pa ang mga sinehan.

Sabi ni Liza Diño ng FDCP, maaring ituluy-tuloy na nila ang FDCP channel na gagawin nilang app kagaya ng ilang live streaming sites.

“Behavioral change siya in the sense na…kasi marami tayong gumagamit ng internet, marami tayong mga nanonood ng pelikula sa online. Pero ang sanay silang pinapanood, libre.

“Yung idea na talagang mag-aabang ako ng bagong pelikula na nasa online na ipapalabas pa lang. Iyon ang hindi pa talaga sila sanay. Kasi siyempre, lahat na pinapalabas natin na pelikula online mga naipalabas na,” bahagi ng pahayag ni Liza Diño ng FDCP.

 

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with