Mamasapano, aabutin ng 2021 ang shooting
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

Aabutin hanggang next year ang shooting ng Mamasapano na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, JC de Vera, Ritz Azul at Myrtle Sarrosa.

Sisiguraduhin daw muna ng production team na hindi na uulan kapag kukunan na nila sa location sa Batangas ang mga eksena ng pagsalakay ng SAP (Special Action Force) sa mga terorista.

‘Yung ibang mga eksena raw ay makukunan hanggang sa first week of December.

Nang tanungin, sinabi ng producer na si Atty. Ferdinand Topacio na wala pa silang desisyon kung kailan ba talaga ipapalabas ang Mamasapano.

Hindi rin sila sure ng kanyang mga kasosyo sa pagpo-produce ng pelikulang ito kung mahihintay pa ba nila ang pagbubukas ng mga sinehan na sobrang affected ng COVID-19 pandemic o ipapalabas na lang nila ito sa video streaming app.

Wait and see lang daw muna ang mga producer ng Mamasapano.

Samantala, ngayon ang taping para sa virtual concert ni Myrtle na produced din ni Atty. Topacio. Sa Teatrino Greenhills ang venue nila at noong Wednesday pa sila nag-swab testing at ang lahat daw ng mga kasama sa Myrtle: Still Love Me virtual concert ay puro negative sa nasabing virus.

Sa November 28, 8:00 p.m., naman ang streaming ng nasabing virtual concert at mapapanood ‘yon sa ticket2me.net at mabibili ang digital tickets sa halagang P660.

Sabi ni Atty. Topacio, matindi pa rin ang budget sa nasabing virtual concert dahil hindi sila puwedeng magtipid para sulit ang ibabayad ng mga fan ni Myrtle!

Maymay, dual role sa movie nila ni Edward

Dalawa ang characters na ginagampanan ni Maymay Entrata sa latest movie nila ni Edward Barber under Star Cinema.

Isang princess at isang mahirap ang roles niya. Inaasahan ng Star Cinema na magiging matagumpay ang latest movie ng MayWard.

Lani, pahinga pa rin

Ang taping kahapon ng The Clash ng GMA 7. Si Pops Fernandez pa rin ang guest judge sa taping kahapon.

Absent pa rin si Lani Misalucha na kailangan pa ring magpahinga dahil sa pagkakasakit. Wala namang problema kay Pops ang pagiging guest judge sa nasabing show dahil may contract naman siya ngayon sa Kapuso network dahil sa Centerstage show.

On hold pa rin ang Centerstage dahil mga bata ang kasali roon, kaya tamang-tama naman ang guesting ni Pops sa The Clash.

MAMASAPANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with