Kasong economic abuse ni Claudine kay Raymart tuloy ang laban!
Claudine

Kasong economic abuse ni Claudine kay Raymart tuloy ang laban!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2020 - 12:00am

Jodi may chance madawit?!

Awww tuloy pala ang kasong economic abuse ni Claudine Barretto laban sa ex husband niyang si Raymart Santiago.

Last November 9 ang last hearing at hindi lang daw nakadalo ang legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio dahil birthday niya at nasabay sa presscon ni Myrtle Sarrosa para sa virtual concert nito sa darating na November 28 na ang kumpanyang Borracho Film Production ni Atty. Topacio, ang producer. Ito ang first venture ng Borracho sa concert production kaya naman super hands on daw siya na producer din ng pelikulang Mamasapano na nakaka-four shooting-day pa lang.

Nakasaad umano ito sa Republic Act No. 9262 na - “Economic abuse refers to acts that make or attempt to make a woman financially dependent which includes, but is not limited to the following:

“1. Withdrawal of financial support or preventing the victim from engaging in any legitimate profession, occupation, business or activity, except in cases wherein the other spouse/partner objects on valid, serious and moral grounds as defined in Article 73 of the Family Code;

“2. Deprivation or threat of deprivation of financial resources and the right to the use and enjoyment of the conjugal, community or property owned in common;

“3. Destroying household property;

“4. Controlling the victims’ own money or properties or solely controlling the conjugal money or properties.”

Matagal na raw kasing hindi nagbibigay ng sustento ang aktor na karelasyon ngayon ni Jodi Sta. Maria.

Though may pagkakataon naman diumano na nagbibigay ito ng P14,000 pero hindi consistent sa dalawang anak nila ni Claudine.

Nabanggit din ni Atty. Topacio na pinag-aaralan nila kung may chance rin na madawit sa kaso si Jodi. “Pinag-aaralan pa muna naming mabuti. Baka kung ano ang masabi ko rito, hindi ko pa masyadong napag-aaralan. We’re studying it very well and ‘yun nga medyo hindi ako nakapunta sa hearing kaya medyo nagtatampo ang BFF ko - Claudine,” banggit kahapon nito sa isang chance interview.

Nangako na ang kilalang abogado na dadalo siya sa December 10 hearing dahil personal na raw nag-text sa kanya si Claudine na sana ay hindi ang assistant niya ang dumalo rito.

Banggit pa ni Atty. Topacio turned producer na meron noong pinirmahan na P100,000 a month si Raymart na sustento noon pa na puwedeng-puwede na rin daw pero hindi nga raw natutupad though insufficient pa rin, “but even that ay hindi natutupad kaya we have to file a case again.”

Pinag-aaralan pa lang nilang lahat ang anggulo kung puwede ngang madawit si Jodi since hindi pa nga rin sila annulled ni Claudine at wala pang naka-file na annulment.

Nang tanungin namin kung kailan ba nag-stop si Raymart na magbigay ng sustento kina Sabina and Santino, naka-particular daw ‘yun sa complaint.

Hindi na rin umano na-shock si Claudine nang sumingaw na ang relasyon nina Raymart and Jodi dahil bumusina naman pala ito sa ex ng actor at binigyan naman ng blessing ni Claudine.

Anyway, more than the economic abuse case ni Claudine, mas priority actually ni Atty. Topacio ang concert ni Myrtle.

Maaari nang bumili ng tickets ang fans ng Kapuso star upang maging parte ng kanyang kauna-unahang virtual concert sa darating na November 28.

Busy na ngayon ang aktres sa Myrtle : Still Love Me kung saan handog niya ang iba’t ibang performances para sa mga masugid niyang taga-suporta.

Pumunta lang sa https://ticket2me.net/e/32179 para masiguro ang inyong slot!

May live band, back up dan­cers and back up vocals daw ito - “Uy maganda ang concert namin. Modesty aside, parang live concert ‘yun,” pangako ng produ.

Sa Teatrino ang venue nito pero virtually mapapanood. “Kumpleto ‘yun kahit virtual concert,” pahabol pa niya.

CLAUDINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with