^

PSN Showbiz

Karla, hindi nag-celebrate ng birthday

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Karla, hindi nag-celebrate ng birthday
Karla

Ang 46th birthday ni Karla Estrada bukas.

Noon pa plinano ng nanay ni Daniel Padilla ang pagpunta niya at ng kanyang pamilya, pati ilang mga kaibigan sa Boracay Island.

Doon dapat magse-celebrate ng birthday niya ang tinaguriang “Queen Mother.” Pero dahil sa tindi ni Typhoon Ulysses ay nagdesisyon daw si Karla na ipagpaliban na lang ang pagpunta nila sa Boracay Island.

Sabi ng isang malapit kay Karla, relief operations for one week daw ang inaatupag ng isa sa hosts ng Magandang Buhay. Pati si Daniel daw ay katulong ng ina sa pagbibigay ng tulong para sa mga biktima ng sunud-sunod na kalamidad sa ating bansa.

Sabi raw ni Karla, “They can’t celebrate while everyone raw is suffering!”

Well, at least, ‘yung dapat gastusin ni Karla sa kanyang birthday celebration bukas ay tiyak na idinagdag na niya sa pagtsa-charity nila ng kanyang mga anak.

Lock-in ng Kapamilya shows, tuloy hanggang December

Hanggang December 3 daw ang lock-in taping ng Walang Hanggang Paalam ng ABS-CBN. Sa Subic, Zambales ang location nila.

Malamang daw na last lock-in taping na ‘yon ng action/drama-serye ng Kapamilya network.

Mapapangasawa ng aktres, galing sa pamilya ng bilyonaryo

Alam mo, Ateng Salve, marami ang nagsasabing suwerte ang aktres na ito na kamakailan lang na-engaged sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ang bongga pala ng pamilya ng lalaking pakakasalan ni aktres na produkto ng isang talent search show ng isang TV network.

Bilyonaryo nga raw ang magiging father-in-law ni aktres.

Super rich nga raw ang pamilya ng fiancé ni aktres.

Ang bongga at katunog ng pangalan ni aktres ang description sa pamilya ng kanyang fiancé, huh!

Ang maganda raw sa fiancé ni aktres, pati sa pamilya nito, sobrang bait daw at mahal na mahal nila si aktres, huh!

Nice!

Ang FPJ’s Ang Probinsyano naman, hanggang December 8 ang lock-in taping sa Batangas at may balik pa rin naman sila.

 

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with