Ivana at Cong. Dan, nagkabalikan?!
Ivana
STAR/ File
Ivana at Cong. Dan, nagkabalikan?!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2020 - 12:00am

Sexy star sinabing ayaw sa babaero

Bumisita rin pala sa Cagayan ang Kapamilya and social media star na si Ivana Alawi kahapon para magdala ng tulong sa mga nawalan ng kabuhayan at naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Nauna na ring lumipad sa Cagayan si KC Concepcion na napabilib sa mga taong sumalubong sa kanila na kahit naka-face mask ay nakikita niya ang ngiti mukha.

“Di ko mawari

Kung san nanggagaling

Ang mga ngiti

Ang tamis ng pagbati

Humiyaw pa sa tuwa

Kumakaway pa ng walang sawa

Sa kabila ng naging sakuna

Nagawa pang kumanta

Nagawa pang magpakasaya...

O bansa ko... Mga Pilipino talaga...??,” caption nito sa kanyang post.

Kasama si KC sa grupo ni Narvacan Mayor Chavit Singson and chemist Pinky Tobiano with Ruffa Gutierrez na namigay ng ibang pangangailangan ng mga taga-Cagayan.

Bago ito ay sinabi ni KC na magbebenta siya ng alahas para nga sa relief operations. Sa kanyang post ay naka-emphasize na for serious buyers lang. “I’m selling ready-made, handcrafted @avecmoijewelry pieces (it usually takes 4 weeks made-to-order), designed by yours truly, for the IMMEDIATE RESCUE & RELIEF efforts in Cagayan, Northern Philippines. They will be available to serious buyers on Tuesday, November 17th.” Ang dami rin kasing naggugulo lang at panay ang HM - how much - pero wala naman planong bumili.

By the way, bakit nga kaya natigil ang jewelry business ni KC? Last post sa official IG account ng Avec Moi by Kristina, May 2019 pa. Sabi noon ni KC na sold out ang order nila for 2019.

By any chance, may connect kaya ito sa naging issue dati sa kanila ng mommy Sharon Cuneta niya na diumano’y tungkol sa mga alahas? As of presstime ay wala pang update si KC kung magkanong nabenta ang nasabing alahas na siya mismo ang nag-design.

By the way, speaking of Ivana, true kayang nag-reconcile sila ng congressman na si Dan Fernandez?

Yup, narinig kong pinag-uusapan ang tungkol dito kung saan parang proud pa nga raw si Ivana sa relasyon nila ng pulitiko at nagpapakilala pa siya diumano sa ibang congressman ‘pag kasama ang pulitikong aktor.

Naalala kong nag-deny noon si Ivana, before lockdown at sinabing friends lang sila. “Pero we’re not romantically involved. No! Kasi babaero siya, ayoko ng babaero, please, wag na. Ayoko ng ganun, gusto ko ‘yung mamahalin ako. Stick to one.”

Aside from Cong. Dan, walang ibang nababalitang karelasyon ang YT star na gumanap na prosti sa Aswang, isang episode sa original series na Sitsit, bilang si Joyce (Ivana) na madalas imaltrato ng kanyang mga kliyente pero pinipi­ling kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Pero magbabago ang kanyang kapalaran nang makilala niya si Nala, isang asong sasamahan siya sa bawat problema at magbibigay sa kanya ng inaasam niyang buhay.

Ang isa pang episode ng Sitsit ay Scorpio, na bida sina Jake Cuenca (na starring na rin sa isang series ng APT Entertainment na mapapanood sa TV5 with Kris Bernal, Isabelle de Leon and Joem Bascon) at Dido dela Paz bilang si Danny, isang matandang photographer na natatakot mabuhay nang walang nagmamahal sa kanya.

Nagsimulang mapanood ang Sitsit sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com noong Oktubre 31.

Derek, nagsalita sa bintang na tapos na ang tikiman nila ni Andrea

Hindi nanahimik si Derek Ramsay sa iba’t ibang reaction ng netizens sa breakup nila ni Andrea Torres.

Sinasagot niya talaga ang mga ito.

May iba kasing nagsasabi na “tapos na po ang tikiman” na sinagot ni Derek ng “bastos.”

May nagsabi naman na hulang-hula na ang nangyari “It won’t last forever or for long” pero sumagot ang actor ng “You know me so well noh.”

Sa nagsabi naman ng “I think he’s not into marriage,” bumuwelta si Derek ng, “I think you are wrong.”

So hindi siya against sa kasal?

Itinanggi rin ng aktor na dyinodyowa niya ang mga nagiging leading lady niya “every girl na nila loveteam sa kanya ay nagiging gf nya.”

“Hello mam there is no truth to what you are saying!!! Andrea is the only leading lady I had that became my girlfriend,” ang reply niya.

Kung sinasagot ni Derek ang bintang ng ibang netizens dedma naman siya sa mga nagti-text at nagtatanong sa kanya kung ano ba talaga ang totoong dahilan at naghiwalay sila ng kapwa Kapuso star na ang buong akala ng lahat ay sa kasalan na ang diretso.

ULYSSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with